88 na taong gulang na si Caridad Sanchez, aktibo pa rin sa pagexercise

88 na taong gulang na si Caridad Sanchez, aktibo pa rin sa pagexercise

Kalakip ng ating pagtanda ay ang paghina ng katawan at kawalan ng gana na gumawa ng iba’t-ibang mga bagay na maaaring sobra nating na-enjoy noong kabataan days. Bagama’t kadalasan man natin itong nakikita sa sitwasyon ng mga Lolo’t Lola natin, may iilan pa rin naman na hindi nagpapadala sa kahinaan dulot ng kanilang pagtanda dahil mas pinipili nila na magpalakas sa pamamagitan ng pagsabak sa pisikal na activities.

Credit: Caridad Sanchez Facebook

Hindi talaga natin napipigilan o napapabagal man lang ang oras at panahon. Kung noon ay palagi nating natutunghayan ang pambansang wise Lola sa iba’t-ibang sikat na teleserye o pelikula na si Caridad Sanchez, ngayon naman ay mas pinili niyang magkaroon ng simpleng buhay sa labas ng showbiz. Sa edad na 88, sobrang aktibo pa rin ng beteranang aktres sa pag-eexercise at pagsabak sa iilang activities katulad na lamang ng boxing. Maliban sa purpose nito na mas mapalakas pa ang muscles sa katawan, paraan din ito ni Caridad at ng kanyang anak na si Alexander Joseph Sanchez-Babao upang makapag-bonding.

Ngayon na may katandaan na si Caridad at mas pinipili na lamang niyang manatili sa bahay, alagaan ang sarili, at abala ngayon sa pagma-maintain ng kanyang healthy lifestyle, mukha namang masaya at contented ang beteranang aktres kahit na’y malayo na ang kanyang buhay ngayon sa naging buhay niya noong aktibo pa siya sa showbiz lalo na’t kasama at kapiling naman niya ang kanyang anak na si Alexander Joseph o mas kilala sa palayaw nitong AJ na siya umanong nag-aalaga sa aktres ngayon.

Credit: Salve V. Asis Facebook

Bukod sa pagbo-boxing, nagja-jog din si Caridad kung saan ay mapapanood ito sa ibinahaging video ni Salve Asis, isang editor sa Pilipino Star Ngayon Entertainment at Pang-masa.

Ayon nga sa anak ng beteranang aktres, madalas man ang pagkakalimutin ng kanyang ina dulot ng katandaan, sobra naman ang paghanga ni AJ dahil bawing-bawi umano ito sa pagiging aktibo ni Caridad sa pag-eehersisyo at pagsabak sa iba pang pisikal na activities.

“Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa White Plains parang bundok,” saad ni AJ.

Credit: Salve V. Asis Facebook

Dagdag pa niya, “May kasama nga lang. Kasi ingatan namin ang bali senior na eh. Hingal din yung kasama niya na 26 year old hahahaha.”

Talagang hindi hadlang para kay Caridad Sanchez ang kanyang katandaan upang ma-maintain ang kanyang healthy na lifestyle. Boxing o jogging man ay sobrang game talaga ang beteranang aktres!

Ysha Red

error: Content is protected !!