Aga Muhlach, ibinida ang pagiging indepent ng mga anak sa ibang bansa

Aga Muhlach, ibinida ang pagiging indepent ng mga anak sa ibang bansa

Sa ating paglaki, nakaantabay talaga ang ating mga magulang pero hindi naman habangbuhay na lamang tayong nakadepende sa kanila kaya kinakailangan talaga na matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa pero para sa showbiz twins na sina Atasha at Andres na lumaki sa isang close-knit na pamilya ay tila’y isa lamang easy na task ang pagiging independent na labis namang ibinibida ng kanilang mga magulang.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Noon pa man, napag-usapan na umano ni Charlene Gonzales at Aga Muhlach na dadating din ang panahon na aalis ang kanilang mga magulang upang tahakin ang kani-kanilang landas sa buhay kaya matagal na talaga nilang hinanda ang sarili sa araw na hihilingin ni Atasha at Andres na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa ibang bansa.

Sa pagtutungtong ng kambal sa kolehiyo, napagdesisyunan ni Atasha na mag-aral sa UK habang kasalukuyan naman ngayong nag-aaral sa isang unibersidad sa Spain si Andres. Sa ilang taon na pamamalagi ng kanilang mga anak sa ibang bansa, matagumpay naman na nakapag-adjust ang kambal considering na nasanay silang may katulong sa lahat ng mga gawain.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

At dahil si Aga ang tipo ng ama na gustong maging independent ang mga anak, sobrang proud talaga niya sa milestone na ito nina Atasha at Andres.

“Masaya kami (Charlene) more than malungkot dahil alam namin ang mga anak namin, nagiging independent,” sabi ng aktor.

“Dahil sila lang ang nandun, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat.”

Dagdag pa niya, “Habang nangyayari ‘yan, alam namin na mahirap mag-isa pero alam namin sa ikabubuti sa kanila. Dahil sa alam namin ‘yun, maganda ang pakiramdam ng puso naming mag-asawa… parang nagiging responsable ang mga anak namin.”

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Sa pagbida ng aktor sa pagiging independent ng kanyang mga anak, masasabi talaga na malaki ang tiwala na meron si Aga kina Atasha at Andres dahil kahit na’y malayo sa kanilang piling ng asawa, alam nilang responsable at malaki ang pananagutan ng mga ito.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Tunay nga na hindi madali ang buhay kapag mag-isa lalo na kapag nasanay tayo sa presence ng ating pamilya pero imbes na panghinaan ng loob, matapang na hinarap ni Atasha at Andres ang daan tungo sa independence na labis ngayong ipinagmamalaki ng kanilang proud na parents.

Ysha Red

error: Content is protected !!