Aiko Melendez, umani ng papuri dahil mukhang bata pa rin kahit 45 years old na!

Paano nga ba napapanatili ng mga artista ang kagandahan sa patuloy na paglipas ng panahon? Isa si Aiko Melendez sa mga taong kahit 45 na ang edad ay nagagawa pa ring magmukhang fresh at bata dahilan para hangaan siya ng maraming tao.
Credit: @aikomelendez Instagram
Kilala bilang isang sikat na aktres sa industriya ng showbiz si Aiko Melendez. Nagsimula siya nang napabilang sa pelikulang Anna Liza noong taong 1981 at tuluyang lumago ang kanyang karera bilang isang aktres sa movie na Where Love Has Gone. Ilang taon rin siya sa showbiz dahilan ng paglaki ng kanyang pangalan sa industriya pero pansamantala ring lumiban.
Credit: @aikomelendez Instagram
Bukod sa kahusayan sa pag-arte ay kilala rin si Aiko sa angkin nitong kagandahan. Ikinasal ang sikat na aktres sa kapwa nitong artista na si Jomari Yllana noong 2000 at nabiyayaan sila ng isang anak na si Andrei Yllana na ngayo’y sumusunod sa yapak ng kanyang mga magulang at minsan-minsa’y nakikita sa ilang teleserye at pelikula. Halos tatlong taon ang makalipas ay napagdesisyunan ni Aiko at Jomari na maghiwalay.
Taong 2006 nang ikinasal si Aiko kay Martin Jickain na nagmula sa angkan ng prominenteng pamilya sa bansa. Nabiyayaan sila ng isang babaeng anak na si Marthena Jickain at ngayo’y siya isang ganap na dalaga na.
Credit: @aikomelendez Instagram
Makalipas ang mahigit apat na taon ay nagkahiwalay rin si Aiko at Martin pero naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t-isa at patuloy pa rin ang suporta sa anak nilang si Marthena.
Magmula noon hanggang ngayon ay patuloy ang pagtanggap ng proyekto ni Aiko at nananatili sa showbiz. Sa paglipas ng panahon ay mas lumalaki lamang ang kanyang pagkakilanlan dahil sa walang kakupas-kupas niyang husay at galing sa pag-arte.
Credit: @aikomelendez Instagram
Disyembre noong nakaraang taon nang sumapit ang birthday ni Aiko kung saan ay nagkaroon lamang siya ng simpleng home party kasama ang mga anak at ilang kamag-anak. Sa pagsapit niya sa kanyang 45th birthday ay tila nanatili ang kagandahan ni Aiko noong kabataan niya.
View this post on Instagram
June 16 nang ibinahagi ni Aiko ang larawan niya sa Instagram kung saan ay kita ang kanyang buong katawan at nakasuot lamang ng simpleng kulay asul na Ralph Lauren t-shirt at maong shorts. Sa simpleng larawan ay napahanga niya ang kapwa celebrities at mga fans dahil sa lutang nitong kagandahan at pagiging “looking fresh”.
Credit: @aikomelendez Instagram
Inulan naman ng papuri ang mismong post galing sa kasamahan sa showbiz at mga fans.
“Wow akala ko si baby girl mo,” komento ni RR Enriquez.
“Batang sis,” sabi naman ni Gladys Reyes.
“Fresh Ms Aiko,” papuri ni Lara Quigaman.