AJ Raval, ipinagtapat sa publiko ang tunay na estado ng relasyon nila ni Aljur Abrenica

Matapos ang isyung may namamagitan nga ba sa kanila ni Aljur Abrenica ay tinuldukan na rin ito si wakas ni AJ Raval at inamin sa publiko na nanliligaw ito sa kanya ngayon.
Credit: @ajravsss Instagram
Sa isyung nangyari sa pagitan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur, marami ang nagsasabing “third party” umano ang dahilan kung bakit humantong ang kanilang magandang relasyon sa hiwalayan.
Nang naghiwalay nito lamang Abril, marami ang nagsuspetsya na may namamagitan kay Aljur at sa aktres na si AJ Raval na siyang nakasama niya sa pelikulang “Nerisa” ngunit dahil walang anumang patunay na ito ay totoo, tanging kutob lamang ito ng netizens.
Sa pag-viral ng isang larawan sa Facebook kung saan ay makikitang walang suot na pang-itaas si Aljur na ayon sa netizens ay kuha umano sa labas ng kwarto ni AJ, pumutok ang isyung may relasyon nga ang dalawa.
Credit: @ajravsss Instagram
Matapos ang ilang buwang rumor, sinagot at tinuldukan na ito ng 26 taong gulang na aktres. Sa isang interview, matapang na inamin ni AJ ang “real score” sa pagitan nila ni Aljur.
“Yes, totoo po. Hindi na ako magpapakahipokrita. Hindi na ako magsisinungaling, ‘di po ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami,” ayon kay AJ.
Credit: @ajabrenica Instagram
Papuri pa ng aktres, isa umanong “boyfriend material” ang kanyang manliligaw na si Aljur.
Maaalala sa isang vlog ni Donnalyn Bartolome nang minsa’y naikuwento ni AJ sa publiko ang tungkol sa kanyang mysterious na manliligaw. Ayon sa kanya, ipinaparamdam umano ng kanyang manliligaw na “special” siya pero hindi niya kaagad ito sinagot dahil kakagaling lamang niya sa relationship na nagtagal ng dalawang taon.
Credit: @ajravsss Instagram
Nagulat naman ang netizens nang kumakailan ay ibinunyag ni AJ na ang tinutukoy niyang manliligaw ay si Aljur Abrenica pala!
Bagama’t na-aapreciate man ni AJ si Aljur, mas minabuti ng aktres na huwag munang lagyan ng “label” ang kung anong namamagitan sa kanilang dalawa.
“Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know,” sabi ni AJ.
Credit: @ajabrenica Instagram
Sari-sari man ang naging komento at opinyon ng netizens sa rebelasyong ito ni AJ, ayon naman kay Kylie sa isang post sa Twitter, napagkasunduan naman nilang dalawa ni Aljur na pwede silang makipagrelasyon sa iba.
“We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people,” sulat ni Kylie sa kanyang post.
Credit: @ajabrenica Instagram
Pareho man na napagkasunduan na hindi pipigilan ang kanilang mga sarili na magmahal muli, “main priority” naman ni Kylie at Aljur na siguraduhin ang kaligtasan at kasiyahan ng dalawa nilang anak.