Aktor na si Arjo Atayde, nag-donate ng 24 na service vehicles para sa Quezon City

Simula nang nagkap@ndemya ay pansamantalang natigil ang mga operasyon at proyekto sa mundo ng showbiz. Dahil dito ay maraming oras ang karamihan sa mga artista at inilalaan na lamang nila ito sa mga bagay na makabuluhan.
Credit: @arjoatayde Instagram
Juan Carlos Atayde o mas kilala sa pangalang Arjo Atayde ay isa ngayon sa mga sikat na aktor sa industriya. Bukod sa gwapong mukha ay pinatunayan rin ni Arjo na magaling din sa pag-arte na tila ba’y nananalaytay na sa dugo ng kanyang pamilya ang pagiging isang mahusay na artista magmula sa ina na si Slyvia Sanchez hanggang kay Arjo at sa babaeng kapatid nito na si Ria na parehong nasa showbiz.
Credit: @arjoatayde Instagram
Habang walang pinagkakaabalahan sa showbiz ay itinuon ni Arjo ang kanyang atensyon sa isang makabuluhang bagay– ang pagbibigay tulong sa mga kababayan sa QC na naghirap simula nang nagkap@ndemya.
Credit: @arjoatayde Instagram
Nang nalaman ni Arjo na talagang kailangan ng bawat barangay ng sasakyang magagamit sa tuwing may em3rgency situations at para na rin sa araw-araw na kaganapan ay hindi nag-atubili ang aktor na mag-donate ng 24 service vehicles sa pamamagitan ng Aksyon Agad Campaign.
Credit: @QCGov Facebook
Dahil sa kabutihang ipinamalas ni Arjo ay labis naman na natuwa ang mga Kapitan ng bawat barangay at taos-pusong nagpasalamat dahil sa wakas ay mas magiging epektibo na ang mga operasyong gagawin bilang paglilingkod sa bayan.
June 29, 2021 ginanap ang turnover ceremony sa pangunguna mismo ni Arjo kasama ang Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.
Credit: @QCGov Facebook
Malaki rin ang pasasalamat ni Mayor Belmonte sa kabutihang ginawa ng aktor para sa QC. Dahil sa kanyang donation na mga sasakyan ay masisiguro na talagang uusad ang operasyon at serbisyo ng bawat barangay ng District 1.
“Maraming salamat kay Arjo Atayde sa kaniyang donasyon na service vehicles para sa mga barangay ng District 1 ng lungsod,” pasasalamat ng Quezon City Mayor.
Credit: @QCGov Facebook
“Ang mga sasakyang ito ay magagamit ng ating mga barangay upang makapaghatid ng serbisyo at aksyon agad sa kanilang paglilingkod sa bayan,” ayon sa pahayag ng gobyerno ng QC.
Credit: @QCGov Facebook
Sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo si Arjo kung tuloy ba ang kanyang kandidatura bilang representative ng District 1 pero gayunpaman ay tuloy-tuloy ang kanyang taos-pusong pagtulong sa mga taga-Quezon City.