Aktres at CEO na si Lovely Abella, may inspiring na advice para sa kapwa niya entrepreneurs ukol sa “joy miners”

Nagsisimula talaga ang tagumpay ng isang negosyo sa ating attitude at mindset. Sa mundo ng business, importante talaga ang planning at management pero may mga pagkakataon pa rin talaga na nangyayari ang hindi inaasahan nating mga bagay katulad na lamang ng prevalent na issue tungkol sa customers na hindi marunong sumusunod sa mga kasunduan.
Sa tulong ng socmed, mas napapalaki talaga ang “market reach” ng isang negosyo pero sa kabila ng sandamakmak na advantages, marami rin itong downsides katulad na lamang ng kawalan natin ng kaalaman tungkol sa history ng customers pagdating sa pagpu-purchase ng produkto pero gayunpaman, patuloy pa rin ang mga negosyante sa pagbibigay ng magandang serbisyo pero tila’y halos lahat talaga ng entrepreneurs ay nakakaranas ng pagsubok katulad na lamang ni Lovely Abella na kumakailan lamang ay na-stood up ng kanyang customers sa Singapore.
Maliban sa kahusayan ni Lovely Abella sa larangan ng pag-arte, kasalukuyan din niyang ibinibida ang kanyang negosyo skills pero kahit na’y napakahaba na ng kanyang experience ay hindi pa rin siya nakaiwas na mabiktima ng isang customer na natuklasan niyang “joy miner” pala!
Sa video na ibinahagi ni Lovely sa Tiktok kumakailan lamang, ikinuwento niyang halos isang oras na silang naghihintay ng kanyang asawa na si Benja Manalo sa Bugis Junction sa Singapore dala-dala ang orders ng kanilang customers pero hindi umano ito sumulpot.
@lovely_abella Walang nagpakita at walang bumili! Pero tuloy ang Laban ng caffeng nakakafayat ang @Caf’eatte #fyp #cafeatte #najoyjoy #trending #caffengnakakafayat ♬ original sound – Lovely Manalo
“Walang nagpakita at walang bumili!” sulat ng aktres-entrepreneur sa kanyang caption.
Totoo nga na nakaka-disappoint para kay Lovely ang pangyayaring ito pero bilang isang online seller, alam naman niyang wala na siyang iba pang magagawa kundi ay tanggapin na lamang ang lahat.
Nabiktima man ng “joy mining,” hindi naman nagpalamon sa lungkot ang aktres. Imbes ay pinaghugutan pa nga niya ito ng motivation at nagbahagi ng inspiring na advice sa kapwa niya entrepreneurs at ito ay ang hindi pagsuko at magpatuloy lamang sa ginagawa hangga’t maayos na nasusunod ang agreement.
“Ganun po talaga. Nangyayari po talaga ‘yan sa atin kaya bilang mga online seller, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Wala man pong magpakita at marami mang magjo-joy sa inyo, no problem. Ang importante ay naging professional kayo at sumunod kayo sa usapan,” payo niya sa kapwa entrepreneurs.
Nag-effort at naghintay man ng ilang oras para sa isang customer na hindi sumulpot, grateful pa rin naman si Lovely Abella dahil kahit gano’n man ang nangyari, may napulot naman siyang lesson at ito ay ang mas ma-appreciate pa ang trabaho ng online sellers.