Aktres at single mom na si Ruffa Gutierrez, proud sa pagtatapos ng panganay na anak na si Lorin

Aktres at single mom na si Ruffa Gutierrez, proud sa pagtatapos ng panganay na anak na si Lorin

Kilala si Ruffa Gutierrez bilang isang multi-talented na artista sa industriya ng showbiz. Bukod sa pagiging model at beauty queen ay napakahusay rin niya sa pag-arte at pagho-host ng iilang programa. Isa rin sa hinahangaan ng mga fans at netizens sa artista ay ang pagiging mabuti niyang ina sa dalawang anak.

Credit: @iloveruffag Instagram

Proud mother sa dalawang anak ay ibinahagi niya ang mga tagumpay na nakamit ng kanyang mga anak sa publiko. Nito lamang Lunes, June 7, 2021 ay nag-post siya sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan ay makikitang kasama niya ang anak na si Lorin Gabriella.

“Congratulations to my first graduate, @loringabriella,” sulat ni Ruffa sa kanyang caption.

Credit: @iloveruffag Instagram

Sa ibang post naman kung saan ay kasama pa rin ni Ruffa ang anak sa ginanap na intimate celebration sa pagtatapos ni Lorin ng pag-aaral ng high school sa The British School Manila ay ipinahayag ni Ruffa sa publiko kung gaano siya ka-proud sa anak.

Ayon kay Ruffa, papunta na raw siya sa noontime show na It’s Showtime para sa segment na “Reina Ng Tahanan” nang naalala umano ng aktres ang naganap na intimate celebration para kay Lorin at hindi napigilang maluha.

Credit: @iloveruffag Instagram

Naging isang karangalan umano para sa kanya ang pagiging single mom na nakayanang palakihin ng wasto ang dalawang anak. Hindi naging madali ang daang tinahak niya pero dahil kilala siyang matapang na babae ay nagawa niyang palakihin ng maayos ang mga anak ng mag-isa.

“Today I want to salute all the hardworking single mothers who have raised their children with courage and strength on their own. The road is never easy but we persevere.”

Credit: @iloveruffag Instagram

Dahil sa makabuluhang mensahe ay umani ang mismong post ng mga papuri galing sa iilang artista, mga kasamahan sa trabaho at mga fans ni Ruffa.

“Congratulations again proud mom and Lorin,” komento ni Almira Muhlach.

Credit: @iloveruffag Instagram

Isa rin sa mga nagkomento at nag-congratulate ay ang kapatid na si Raymond Gutierrez at sister-in-law na si Sarah Lahbati.

“Keep the faith that God will reward our struggles with blessings we can’t even begin to imagine,” payo ni Ruffa.

Credit: @iloveruffag Instagram

Binati niya ulit ang anak sa tagumpay na nakamit.

Ysha Red

error: Content is protected !!