Aktres at vlogger na si Ivana Alawi, bumida sa nakakakilig na music video ng awiting “Paraluman”

Aktres at vlogger na si Ivana Alawi, bumida sa nakakakilig na music video ng awiting “Paraluman”

Kilala si Ivana Alawi bilang isang artista at sikat na YouTube vlogger. Maraming netizens ang nakasubaybay sa kanyang mga vlog dahil nakakatuwa at nakaka-relate ang publiko. Bukod sa kagandahan at yaman ay napakabuti rin ng kanyang puso. Nagpapaabot siya ng tulong noong unang mga buwan simula nang magkap@ndemya at noong may bagyong tumama sa iilang bahagi ng Luzon.

Credit: O/C Records YouTube

Nito lamang June 6, starring si Ivana sa isang official music video ng kantang “Paraluman” ng singer at songwriter na si Adie.

Sa unang bahagi ng video ay makikitang nasa loob ng elevator si Adie nang pumasok si Ivana na mukhang kagagaling lamang sa labas at sumu-ong sa ulan. Habang nagpipindot ng mga button ng elevator ay patuloy niyang hinih!mas ang mga braso dahilan para mag-abot si Adie ng puting maliit na panyo kung saan ay naka-engrave ang kanyang pangalan.

Credit: O/C Records YouTube

Sa kabila ng maikling pagsasama sa loob ng iisang elevator ay nakabuo ng koneksyon ang dalawa at tila ba’y nabighani ang dalawa sa isa’t-isa kung saan ay siyang mensahe ng kanta na may mga magagandang bagay na nangyayari sa hindi inaasahang pagkakataon at lugar.

Sa kalagitnaan ng paghihintay sa loob ng elevator para sa kanilang floor na bababaan ay may mga taong pumapasok at umaalis kung saan ay maihahalintulad sa real-life na sitwasyon. Sa byahe ng buhay may dumadating na nakakasama nila. Minsan may mga taong nagiging hadlang para makita natin ang taong para sa atin at iyong iba nama’y nagiging daan upang mapalapit tayo sa taong nakalaan para sa atin.

Credit: O/C Records YouTube

Sa bawat mga taong pumapasok ay naging mahirap para sa dalawang makapag-usap kung kaya’t nagnanakawan lamang ng tingin at nagpapalitan ng iilang sulyap ang dalawa dahilan ng mga ngiting gumuguhit sa kanilang mga labi.

Credit: O/C Records YouTube

Nang dumating na sa 32nd floor kung saan ay ang destinasyon ni Ivana ay lumabas siya dahilan para makaramdam ng lungkot si Adie pero bago pa man tuluyang sumara ang elevator ay bumalik si Ivana upang isauli ang panyong in-offer ni Adie. Natapos ang video nang nagpakilala si Ivana Alawi kay Adie.

Credit: O/C Records YouTube

“Paraluman,” nakangiting pagpapakilala ni Ivana sa sarili dahilan para malinawan ang mga nanonood at nakikinig sa title ng kanta.
Ang music video ng “Paraluman” ay directed ng artistang si Bela Padilla at ang executive producers naman nito ay sila Kean Cipriano, Vicente Del Roasario Jr., Verb Del Roasario, at Lara Cipriano.

Simula ng release ay nakatungtong ito sa 14th trending spot sa Youtube at umani ng 255,000 views sa loob lamang ng isang araw at na-stream ng 2.6 million times sa Spotify.

Ysha Red

error: Content is protected !!