Aktres na si Alexa Ilacad, opisyal nang nagtapos sa kanyang kurso sa kolehiyo

Isa sa mga tinitignan na promising actress ngayon ay ang dating child star at ex-PBB housemate na si Alexa Ilacad. Unang sumikat si Alexa nang napasama sa show na ‘Goin Bulilit. Sa kanyang paggraduate sa naturang show ay tuloy-tuloy pa ring ipanamalas ni Alexa ang kanyang galing sa pag-arte sa mga show at pelikula na kanyang kinabilangan.
Credit:Β @alexailacad Instagram
Kamakailan lang ay proud si Alexa na ibahagi sa publiko ang kanyang paggraduate sa kanyang bachelor’s degree sa Marketing sa Treston International College’s Business and Technology.
Marami ang humanga sa aktres dahil kahit busy ang kanyang schedule dahil sa pagtatrabaho sa showbiz ay ipinagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral at ginawan ng paraan para mapagsabay ito. Bukod pa dito ay ipinamalas ni Alexa ang kanyang talino dahil noong huling semester niya sa kolehiyo ay kasama siya sa dean’s listers at 1.0 ang kanyang naging final grade.
Credit:Β @alexailacad Instagram
Sa kanyang post ay sinabi ni Alexa na ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo ang greatest achievement niya ngayon sa kanyang buhay.
Hindi rin nakalimutan ni Alexa na magpasalamat sa mga tao na naging daan para makamit niya ang kanyang pangarap at walang sawang sumuporta sa kanya sa kanyang pag-aaral.
Credit:Β @alexailacad Instagram
“Still my greatest achievement ππ©π»βπ I have nothing but gratitude in my heart for my @trestonph family. I am blessed to have had a great support-system in school and at home. Thankful for my professors and mentors who helped me power through college without ever sacrificing excellence, and to my peers/barkada for making college life easier! To my parents & supporters, I hope I made you proud. This oneβs for you π€”
Credit:Β @alexailacad Instagram
Agusto noong nakaraang taon nang masayang ibinahagi ni Alexa ang nakuha niyang grado sa kanyang huling semestre sa kolehiyo. Ngayong Marso naman ginawa ang graduation ng aktres kaya naman napakasaya na opisyal na siya ngayong bachelor’s degree holder at nagbunga ang kanyang pagsusumikap at pagsusunog ng kilay para matapos ang kanyang napiling kurso.