Aktres na si Angelica Panganiban, ipinagbubuntis na ang unang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend

Naging bukas ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang mga tagahanga sa mga nangyayari sa kanyang buhay kaya naman noong mga panahon na bigo sa pag-ibig si Angelica ay talaga naman ikinalungkot ito ng kanyang fans. Ngunit maganda ang naging balita ni Angelica sa kanyang fans noong pagpasok ng taong 2021. Ito ay dahil sa kanyang post kung saan makikitang hinahalikan niya ang isang lalaki. Sa caption ng post ay sinabi ni Angelica na, “Kung isa kang pelikula, sana,, wala kang ending..”
Credit: @iamangelicap Instagram
Ubod ang saya ni Angelica, maging ang kanyang mga kaibigan at tagahanga na sa wakas ay nakahanap si Angelica ng lalaking muling magmamahal sa kanya at marami ang umaasa na sana ay siya na ang “the one” para sa aktres.
Ang kasalukuyang boyfriend at nagpapatibok sa puso ni Angelica ay si Gregg Homan na isang businessman.
Ngayong 2022 ay isa na namang magandang balita ang inanunsyo ni Angelica at ito nga ay ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.
Credit: @iamangelicap Instagram
Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Angelica ng letrato ng ultras0und niya kung saan makikita ang kanilang lumalaking baby. Bukod pa dito ay may letrato din si Angelica at si Gregg kung saan ay hawak ni Gregg ang tiyan ni Angelica.
May video din na inupload si Angelica kung saan maririnig ang emosyonal niyang pagsabi ng “Oh my G0d!” habang nagpapa-ultras0und.
Credit: @iamangelicap Instagram
Kalakip ng post na mga letrato at video ni Angelica ay sinabi nito sa caption na matagal na niyang gustong gampanan ang role bilang isang ina pero sa tunay na buhay. Ngayon nga ay sobra ang kaligayahan ng aktres na natupad na ito.
“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. 🥲🥲🥲”
Credit: @iamangelicap Instagram
Dagdag pa ng aktres sa kanyang post, “Opo, may matres ako mga baklaaah! 😬 ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu 😭 may pamilya na ko 😅 kaiyaq pramis 😂”