Aktres na si Dimples Romana, happily pregnant ngayon sa kanilang pangatlong anak

“And then there were 5 🥺🤰🏻🙏🏻”
Credit: @dimplesromana Instagram
Ito ang masayang announcement ng 37-year-old na aktres na si Dimples Romana patungkol sa kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Boyet Ahmee. Mayroon nang dalawang anak sila Dimples at Boyet. Ang kanilang panganay na si Callie ay dalaga na ngayon at papasok na sa kolehiyo sa Australia. Ang kanilang pangalawang anak naman ay isang 7-year-old na lalaki na pinangalanan nilang Alonzo.
Credit: @dimplesromana Instagram
Kita sa mga letrato na post ni Dimples kung gaano kasaya ang kanilang pamilya sa panibagong miyembro ng kanilang pamilya.
Sa pagreveal ni Dimples ay makikita sa kanyang mga letratong na malaki na ang kanyang tiyan at halata na ang kanyang pagbubuntis.
Kung susundan ang mga pangyayari sa buhay ni Dimples ay makikita kung gaano sila pinagpapala ngayon hindi lamang sa materyal na bagay kundi pati na rin sa relasyon ng kanilang pamilya. At nang dumating ang isa pang blessing na ito ay talaga namang punong-puno ng pasasalamat si Dimples at ang kanyang pamilya.
Credit: @dimplesromana Instagram
“Just when we thought life couldn’t get any sweeter , here comes our newest BLESSING baby E 🥰 My heart has never been this FULL.”
Ilang buwan na lang at magiging ina na ng tatlo si Dimples at sinabi niya na excited na siya sa bagong hamon na haharapin niya bilang nanay ng kanilang pangatlong anak.
“I am now officially a MOM of 3 unique children born from 3 different decades ❤️ God truly knows how to answer even the most silent prayers of our hearts. How amazing is it to experience motherhood, raising a DAUGHTER in college, a son, 7 year old kid and in a few months a NEW BORN 💕 I’m excited to take on the CHALLENGE.”
Credit: @dimplesromana Instagram
Umapaw naman ang pagbati sa aktres mula sa mga kaibigan:
“Waaaah!!! Congratulations beautiful mama!!!!😘 beyond happy for you!!!!”
“Beautiful pregnant momma! All the best @dimplesromana 💗🙏”
Credit: @dimplesromana Instagram
“W0w!❤️ Praise G0d for the greatest and precious gift of life!❤️”