Alamin ang buhay ngayon ng dating Kapuso Newscaster pagkatapos magmigrate sa Canada!

Ang paglisan sa bansang kinalakihan ay sadyang malungkot pero kalaunan ay nahanap naman ni Rhea Santos ang kasiyahan sa ibang bansa.
Credit: @msrheasantos Instagram
Kilala si Rhea Santos bilang isang host sa morning show na “Unang Hirit”. Matapos ang higit 19 na taong pananatili ni Rhea bilang isang TV host sa GMA Network ay napagdesisyunan niyang lisanin ang station at mangibang-bansa noong taong 2019.
Hindi naging madali para kay Rhea ang desisyon pero nagbukas naman ito ng maraming oportunidad para sa kanya. Bagama’t nasa Canada naman ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagbabahagi ng mga kaganapan niya sa buhay sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan sa kanyang Instagram account pati mga vlogs sa kanyang YouTube channel na “Your Morning Girl Rhea”.
Credit: @msrheasantos Instagram
Kasama ang kanyang pamilya ay masaya ngayong namumuhay ang dating “Unang Hirit” host na si Rhea sa Canada. Mula sa paggo-grocery, pagta-travel, hanggang sa kanyang iba’t-ibang hobbies ay masaya itong napapanood ng kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang mga vlog.
Mahilig din magpunta si Rhea sa mga tourist spots sa Canada kagaya na lamang ng “A-Maze-Laughter sculpture” ng Monton Park, Vancouver, Stanely Park kung saan ay enjoy na enjoy siya sa pagbibisikleta, Vancouver Art Gallery, at marami pang iba.
Credit: @msrheasantos Instagram
Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa ring “food lover” si Rhea. Kahit marami mang masasarap na pagkain ay ayon sa kanya, paborito pa rin ng kanyang mga anak ang sinigang.
Inamin din ni Rhea na kahit hindi na niya kinakailangang gumising ng maaga para sa “Unang Hirit” ngayon ay maaga pa rin siyang nagigising at tinawag ang sarili na isang “morning person.”
Credit: @msrheasantos Instagram
“6am spinning class…done! Still a morning girl☀️☕️,” sulat niya sa kanyang caption sa Instagram kalakip ng kanyang “selfie” na larawan.
Bilang update sa kanyang mga fans ay ibinahagi niya sa isang vlog na “officially employed” na siya sa “Omni News: Filipino Edition” bilang isang newscaster.
“I’m just so excited and happy to share with you, guys that I got a job offer and officially am employed. It is an answered prayer,” masayang sabi ni Rhea.
Credit: @msrheasantos Instagram
Hinangaan din si Rhea ng kanyang mga fans dahil nagagawa nitong pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aaral sa British Columbia Institute of Technology International. Matapos ang dalawang taon ay nakatapos at nakuha na niya ang kanyang diploma sa “Broadcast and Online Journalism”.
Credit: @msrheasantos Instagram
Sa lahat ng mga tagumpay na nakamit ni Rhea sa buhay ay patuloy ang kanyang pasasalamat sa Panginoon at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa “Omni News” dahil sa tulong nitong maipagpatuloy ang kanyang passion bilang isang newscaster.