Alamin ang naging special request ni Camille Prats sa kanilang ipinagawang bagong bahay

Alamin ang naging special request ni Camille Prats sa kanilang ipinagawang bagong bahay

Ano nga ba ang exciting na part sa pagpapagawa ng bagong bahay? Maliban sa thrill ay kalakip din nito ang excitement na maaari tayong magkaroon ng special na request katulad na lamang ni Camille Prats na ipinaglaban talaga ang kanyang gustong applicance. Ano nga ba ito?

Credit: @camilleprats Instagram

Linggo, April 17 ngayong taon nang nagbahagi ng vlog ang Kapuso actress at “Mars Pa More” TV host na si Camille Prats sa kanyang Youtube channel kung saan ay excited niyang ibinalita sa netizens na lilipat na sila ng pamilya pagkatapos na pagpagkatapos ng ipinapagawa nilang bahay ng kanyang asawa na si VJ Yambao.

“The house is finally almost done after two years of building it. Siyempre the struggle and challenges of building it during the p@ndemic na ang dami naging restrictions and protocols, and all those things. Finally, we are nearing the finish line,” pahayag ni Camille sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Credit: @camilleprats Instagram

At dahil sobrang excited sa kanilang nalalapit na paglilipat sa bagong bahay, ipinasilip ito ni Mareng Camille. Makikita sa vlog na empty pa talaga ang loob pero tapos na ang ceiling at na-install na rin ang lights. Napapalibutan din ng glass ang kabilang bahagi ng unang palapag sa bahay ng pamilyang Prats-Yambao dahil ayon sa aktres, nais umano nila ng asawa na ma-appreciate ang kabuuang view sa labas kahit na’y nasa loob lamang sila.

Tanging laminates at wood works na lang din umano ang kulang sa kanilang kusina at nakahanda na rin ang lahat ng kanilang appliances.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Sa usapang appliances, may isang feature talaga na ipinaglaban si Camille at ito ay ang pagkakaroon ng bawat kwarto nila sa ikalawang palapag ng towel warmer.

“Ito ang non-negotiable ko kay VJ. In-order namin ‘yan kasi gusto ko meron kaming towel warmer sa lahat ng rooms dito,” ayon kay Camille.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Dagdag pa niya, “Sinabi ko kay VJ, gusto ko kapag nagkabahay ako, may towel warmer because I don’t like using moist towels.”

Pagkukuwento pa ng TV Host, karamihan sa mga babae ay gumagamit lamang ng iisang towel kapag nagpapatuyo ng buhok kaya talagang hindi ito kaagad na natutuyo at gagamitin na naman ang parehong towel kapag naliligo sa gabi at susunod na araw.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

“Ayaw ko na ginagamit ko siya tapos nagiging amoy kulob so that towel warmer is really something na ipinaglaban ko na dapat meron talaga dito and I’m excited to use it,” ayon kay Camille.

Ysha Red

error: Content is protected !!