Alessandra de Rossi, ibinahagi ang kanilang bonding moments ng anak ng kanyang ate na si Assunta na si Baby Fiore

Alessandra de Rossi, ibinahagi ang kanilang bonding moments ng anak ng kanyang ate na si Assunta na si Baby Fiore

Lubos na kinagigiliwan ng award-winning actress na si Alessandra De Rossi ang kanyang pamangkin na si Baby Fiore kaya madalas n’yang ibinabahagi sa kanyang Instagram ang mga larawan nito.

Credit: @msderossi Instagram

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Alex makikita ang larawan habang buhat ng aktres ang kanyang pamangkin. Kapansin-pansin sa nasabing larawan ang double chin ng mag tita kaya naman hindi maiwasan magbiro ni Alex na dinaan sa caption ng nasabing IG post.

Credit: @msderossi Instagram

“Fiore: Zia, I have a problemz! What is double chin?! Me: uhm…. It’s a family problem,” caption sa nasabing IG post.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa sense of humor ng aktres gayundin sa napakacute na si Baby Fiore na anak ng kanyang kapatid at kapwa artista na si Assunta De Rossi at ng asawa nitong si Jules Ledesma.

Credit: @msderossi Instagram

Halos dalawampung taong ipinagdasal ng kanilang pamilya na mabiyayaan ng anak ang kanyang kapatid kaya naman isa si Alessandra sa pinakamasaya ng isilang ang kanilang miracle baby.

Dahil sa pagiging malapit ng dalawa, hindi maiwasan na minsa’y napagkakamalan silang mag-ina.

Credit: @msderossi Instagram

Nang magbonding ang magtita ay muli itong ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram.

Makikita sa larawan na napakasweet ng dalawa at ambang nakahalik si Fiore sa kanyang tita habang buhat siya nito at sila ay naliligo sa inflatable pool.

Credit: @msderossi Instagram

“Fiore: Zia, I have a problemz again. It’s a secret, okay? What is puro bumbunan? Me: Donchu worry child. It’s still a family problem,” muling pabirong caption ni Alex sa IG post.

Hindi lamang natuwa sa biro ni Alex ang mga netizen kundi hinangaan din siya sa kanyang katangian na tanggapin kung ano ang sa palagay niya’y kanyang imperfection.

Ayon naman sa aktres ito ay para masanay ang kanyang pamangkin na lumaki ng walang insecurities na lalong nagpabilib sa mga netizen.

Credit: @msderossi Instagram

Ang sense of humor ni Alex ay sadyang kinagigiliwan ng karamihan kaya naman inaabangan ng mga ito ang mga nakakatuwang IG post nito kasama ang kanyang napakagandang pamangkin na si Baby Fiore na hindi maikakailang nagmana ng kagandahan sa kanilang magkapatid.

Ysha Red

error: Content is protected !!