Alessandra de Rossi, nagbahagi ng mga cute na letrato nila ng kanyang anak na si Baby Fiore

Kakaiba talaga ang kakayahan ng mga babae lalong-lalo na ng mga Momshie dahil hindi naman kasi biro ang pag-aalaga at pagpapalaki ng isang anak ngunit sa kabila ng pagod at stress, matagumpay pa rin nilang nagagawa ang lahat ng dapat gawin.
Credit: @assuntaledesma Instagram
Marami mang mga babaae ngayon ang nangangarap na magkaroon ng successful na profession, marami rin ang nag-aasam na magkaroon ng sariling pamilya at maging isang ganap na Mommy.
Hindi na naman bago pa sa ating pandinig ang pangalan ni Assunta de Rossi dahil sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz, kilala siya bilang isang sikat at mahusay na aktres. Matapos ang kanyang matagumpay na career sa industriya ng entertainment, tila’y nag-shift naman ang perspective ng aktres dahil kung noon ay tanging success lamang sa career niya bilang isang aktres ang hiling, ngayon naman ay ang pagiging isang ganap na ina naman ang kanyang pangarap.
Credit: @assuntaledesma Instagram
Matapos ang lagpas isang dekada simula nang sila’y ikasal ni Jules Ledesma, inamin ng aktres na ilang ulit na nilang sinubukan ang pagkakaroon ng baby at taong 2020 nga nang natupad ang matagal na hiling ng couple at nabiyayaan sila ng cute na baby girl na si Fiore.
Ayon kay Assunta, isang “miracle baby” si Fiore at dahil ilang taon din niyang hiniling sa Panginoon ang pagkakaroon ng anak, talagang hands-on ngayon ang aktres sa pag-aalaga kay baby Fiore at makikita naman ito sa bawat update niya sa Instagram kung saan ay madalas siyang nagbabahagi ng nakakapanggigil na mga larawan ni baby Fiore.
At mukhang hindi lamang si Momshie Assunta ang nakyukyutan sa anak dahil kahit kapwa celebrities at netizens ay kinaaaliwan din si baby Fiore.
Credit: @assuntaledesma Instagram
Nito lamang, nagbahagi ng dalawang magkakahiwalay na close-up na larawan ni baby Fiore si Assunta sa kanyang Instagram account. Sa pictures na ito, kapansin-pansin talaga ang chubby at mamula-mula na pisngi ni baby Fiore.
Huwebes, Mayo 5 nang nagbahagi ng maikling video ang aktres kung saan ay mapapanood sila ni baby Fiore na sumasakay sa isang joyride sa People’s Park sa San Carlos City, Negros Occidental.
Credit: @assuntaledesma Instagram
At dahil celebration din ng Mother’s Day ang buwan ng Mayo, ibinahagi ni Assunta sa kanyang Instagram account ang cute at close-up na larawan ng anak kung saan ay makikita itong nakatingin sa kamera at nakangiti.
“Grateful. #happymothersday,” simpleng sulat niya sa kanyang caption.
Credit: @assuntaledesma Instagram
Hindi talaga masusukat ang pagmamahal na ibinibigay ng isang ina para sa kanilang anak. First time man ito para kay Assunta, natural naman siya sa kanyang role bilang Mommy lalo na’t ilang taon na rin niyang hinanda ang sarili.