Alex Gonzaga, ikwinento na nagkaproblema sila ng asawang si Mikee Morada sa pagpapatayo ng dream house nila

Alex Gonzaga, ikwinento na nagkaproblema sila ng asawang si Mikee Morada sa pagpapatayo ng dream house nila

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ang isa sa pangarap lalo na ng mga bagong kasal na magsisimulang bumuo ng kanilang pamilya. Subalit hindi biro ang magpatayo ng sariling bahay at ito ang natuklasan ng vlogger at TV host na si Alex Gonzaga.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Sa pagsisimula ng panibagong yugto ng kanyang buhay bilang may asawa, inamin ni Alex ang ilan sa mga pinagdaanan nilang problema ng asawang si Mikee Morada sa pagpapatayo ng kauna-unahan nilang bahay bilang mag-asawa. Hindi n’ya akalaing hindi biro ang magpatayo ng sariling bahay.

Ayon kay Alex, mula nang simulan ang paggawa sa kanilang bahay ay iba’t ibang pagsubok na rin ang hinarap nila ng kanyang mister na naging dahilan para hindi masunod ang due date para matapos ang construction nito.

“Nandu’n pa lang kami sa proseso ng approval sa subdivision kasi ‘yung unang ginawa ng aming architect, hindi pala tama. ‘Yung mga easement,” ani Alex sa panayam sa kanya ng mag-asawang sina Slater Young at Kryz Uy sa isang podcast.

Credit: @cathygonzaga Instagram

“Nagkamali lang ng one meter, another na naman. Ang haba, ang daming pinirmahan ng blueprint. Napakadami, napakahaba. Pero kailangan pala talaga. ‘Yun naman ‘yung ginawa namin nu’ng araw,” dagdag pa nito.

Bukod dito, may isa pang pinroblema sina Alex dahil sa mga nauna nilang desisyon.

“Masakit sa ulo kasi siyempre nag-feeling ako. Sinabay ko kasi. So mas tumagal. Kasi siyempre nag-usap pa sila sa architect. Ganu’n pala ‘yun. Tapos namroblema pa ako kasi kailangan mamili ka na ng mga suppliers mo,” kwento ni Alex.

“Tapos ang mamahal agad. Sabi ko, ‘Oy ayoko na muna. Nagkamali pa nga tayo du’n sa approval. Dapat kapag ka okay na,” aniya pa.

Credit: @cathygonzaga Instagram

Buti na lang at ang mga magulang na rin niya ang tumayong contractor para sa kanilang ipinapagawang bahay.

“What’s good is ‘yung contractor ko are my parents. ‘Yung bahay namin sina Mommy (Pinty) at Daddy (Bonoy) ang gumawa,” Ani Alex.

Dahil sa naranasang aberya, minabuti nina Alex na ang kanyang magulang na lamang ang maging contractor.

“Naisip ko kasi na ayokong ma-stress na baka hindi kami magkaintidihan ng contractor. Kasi maraming ganu’ng stories, ‘di ba? Na parang in the middle of their construction, nagpapalit sila ng contractor. So, sabi ko ayoko na ng ganu’ng stress kasi nagwo-work din,” ani Alex.

Ysha Red

error: Content is protected !!