Alex Gonzaga, makwelang ginaya ang pagkanta ng kanyang ate na si Toni Gonzaga-Soriano ng “Roar”

Sa tuwing naririnig ang pangalan ni “Alex Gonzaga”, awtomatiko na talaga siyang nagdudulot ng ngiti at purong tawanan sa mga tao. Kailan ba kasi niya tayo binigong patawanin?
Credit: @celestinegonzaga Instagram
Sa pinakabagong video ng Pinay vlogger at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, muli na naman niya tayong napahalakhak sa tawa dahil sa all out niyang paggaya ng kapatid na si Toni Gonzaga nang kumanta ito ng sikat na kantang “Roar” ni Katy Perry noong nagkaroon ng rally ang sinusuportahang kandidato.
Simula nang isinapubliko ni Toni Gonzaga ang kanyang pinapaborang kandidato para sa pagka-presidente, marami ang nag-cancel at nagbash sa aktres. Marami rin ang kumalat na nakakatawang video at meme tungkol sa kanya sa social media at matapos ito, opisyal siyang nag-resign bilang isang host sa PBB.
Credit: @celestinegonzaga Instagram
Sa kabila ng natanggap na criticisms, nagawa pa rin ng kanyang supporter at nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga na gumawa ng isang parody at ito nga ay ang nakakatawa niyang paggaya kay Toni nang kumanta ito ng “Roar”.
Mula sa boses, paggalaw, at bawat aksyon sa performance na ito ni Toni sa isang rally ng kanyang sinusuportahang kandidato ay plakadong-plakado ni Alex ang lahat kaya naman talagang bumenta sa netizens ang parody na ito ng vlogger.
Credit: @celestinegonzaga Instagram
Mapapansin naman sa video na gabi na at mukhang naghahanda na papunta sa pagtulog ang magkapatid pero punong-puno pa rin ang energy ni Alex, isang katangian na labis na hinahangaan ng kanyang fans sa kanya.
Habang abala sa paggaya si Alex sa naging “Roar” performance ng kapatid, nakaupo at nagpipigil naman sa pagtawa si Toni sa likod. Talagang magkapatid nga sila! Walang kahit ano na hindi nila nagagaya sa isa’t-isa.
“Sisss wag ako. Plakado kita,” sabi ni Alex sa video. Dahil sa kanyang makulit at mahusay na paggaya kay Toni, hindi napigilan ng netizens at fans ng Gonzaga sisters ang matawa.
Credit: @celestinegonzaga Instagram
Marami man ngayon ang patuloy na nagbibigay ng kritikal na komento tungkol sa aktres, nananatili namang ‘unbothered’ si Toni. Isa pa, na-cancel man siya, sobrang loyal naman sa kanya ang makulit na kapatid na si Alex Gonzaga.