Alice Dixson, ibinahagi ang precious bonding moments nila ng kanyang sanggol na anak na si Baby A sa beach

Alice Dixson, ibinahagi ang precious bonding moments nila ng kanyang sanggol na anak na si Baby A sa beach

Ibinahagi ng beteranang aktres na si Alice Dixson ang kanilang naging bonding ng kanyang unica hija na si Baby Aura o Baby A sa Instagram.

Credit: @alicedixson Instagram

Sa nasabing IG post, makikita ang isang video kung saan nakaupo ang aktres sa dalampasigan habang nakakalong sa kanya ang munting sanggol.

“So this is Baby A’s first time to step on sand,” ani Alice saka binuhat ang anak at inilapag sa buhanginan ang mga paa nito upang maranasan ng munting sanggol ang pakiramdam ng pagtapak sa buhangin.

“Will she like the sand kaya?” caption sa nasabing IG post.

Tila nagulat pa si Baby A sa simula na itinaas agad ang kanyang paa nang sumayad sa buhangin hanggang sa tuluyan nang umapak dito.

Credit: @alicedixson Instagram

Makikita rin sa nasabing video na inaalalayan ni Alice ang anak na tumayo sa tabing dagat upang mapakiramdaman ang mga alon.

“ Definite water baby. We’ve taken her to the pool several times to swim & nageenjoy nmn sya, smiling… but this is her 1st time on the beach. Do you think she like the sand,” dagdag ni Alice sa caption sa nasabing IG post.

Hindi maitago ng aktres ang kasiyahan habang kasama ang anak at halatang sobrang namiss n’ya ito.

“I’ve been away at work only a week and it feels sooo tagal!” sabi ng aktres.

“This is the longest I’ve ever been apart from my smiling baby Buddha,” dagdag pa nito.

Credit: @alicedixson Instagram

Ang mga ganitong sandali ay lubos na pinahahalagahan ng mga ina tulad ni Alice kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat na naisave ang nasabing video.

“Buti na lang this footage was save,” ani Alice.

Kamakailan ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang nangyari sa kanyang mga larawan at video footages.

Credit: @alicedixson Instagram

“Something happened with my photos and video footage(s) recent vlog and more… Saka ko ikuento pag puede na, but nakakasad because all the photos and videos when Baby A was born were all together. And all my recent video projects, promos etc must be reshot,” pahayag ni Alice.

Ysha Red

error: Content is protected !!