Anak ni Anne Curtis, cute na cute sa kanyang Queen Elsa na costume

Nagviral kamakailan ang video ng anak ni Anne Curtis at Erwan Heusaff na si Dahlia habang kinakanta ang sikat na soundtrack ng palabas na Frozen na “Let it go”. Sobrang adorable nito dahil nagtransform at nagbihis din ito bilang isa sa mga karakter na movie na si Elsa.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Sa maikising video na pinost ni Anne sa kaniyang Instagram story ay nakabihis bilang si Queen Elsa si Dahlia. Ang kaibigan ni Anne at hairstylist na si Raymond Santiago ang nagbigay ng napakacute na costume. Sinubukan ding ayusan ni Anne ang buhok ni Dahlia para makumpleto ang Queen Elsa look nito.
Panay ikot at libot nito sa kanilang bahay habang nakapaa at tuwang tuwa sa kaniyang kasuotan si Dahlia.
“We are definitely in a princess stage. [Raymond Santiago] got her this dress,” caption ni Anne sa video.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Tinanong ni Anne dito kung maari ba itong kumanta at sinagot naman agad ito ni Dahlia.
“Hi Elsa, can you sing for me?” pagudyok ni Anne sa kaniyang anak para ito ay kumanta.
Naging little Queen Elsa sa husay ng kaniyang pagkanta ng Let it go. Sinabayan din ito ni Anne sa pagkanta.
Maraming netizens ang naaliw sa video na ito ni Dahlia at nag-iwan sila ng magagandang komento dito.
Credit: @dahliaamelieee Instagram
“Such a beautiful girl. Full of love and life.”
“wow pretty little princess “ELSA” you are so cute Dahlia.”
“The most beautiful Elsa.”
“Amazing bebe dahlee.. What a pretty little girl you have mama anne”
Credit: @dahliaamelieee Instagram
Taong 2017 nang ikasal si Anne at Erwan sa Queenstown, New Zealand. March 2020 naman ng dumating ang napaka-adorable nilang anak na si Dahlia. Nanatili sa Australia ang pamilya nila dulot na rin ng p@ndemya.
Sa simula pa man ay proud parents na ang couple sa mga achievements ng kanilang anak na si Dahlia. Marunong sa tatlong wika si Dahlia at ito ay ang Ilokano, French at English.
View this post on Instagram
Hindi rin ito mapili sa pagkain. Kamakailan lang ay pinakita ni Anne na kumakain ito ng paa ng manok. Ngayon August lamang din ay pumasok na ito sa school sa unang pagkakataon.