Anak ni Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, newest endorser ng isang sikat na kids clothing brand

Anak ni Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, newest endorser ng isang sikat na kids clothing brand

May mga celebrity na nakahanap ng pagmamahal sa kasamahan sa industriya ng showbiz. Marami na ring mga artista na nagkakatuluyan at hanggang ngayon ay nagbibigay kilig at tuwa mapa-on at off cam man. Isa na nga sa mga celebrity couples na ito ay si Coleen Garcia at Billy Crawford.

Credit: @coleen Instagram

Sa murang edad ay sumabak na si Billy Crawford sa showbiz. Tatlong taon siya nang nadiskubre ang kanyang kahusayan sa pag-awit at nagkaroon ng sariling album nang tumungtong sa edad na 15. 1986 nang nagsimulang magpakita si Billy sa “That’s Entertainment” show na siyang dahilan ng tuloy-tuloy niyang pagtanggap ng maraming proyekto.

Credit: @coleen Instagram

Kilala rin si Coleen Garcia bilang aktres. commercial model, at TV host sa isang sikat na noon time show na It’s Showtime simula kung saan ay nakasama niya si Billy Crawford na kapwa ring host. Dahil sa ilang taong pagsasama ay nagkadevelop-an sila ng feelings hanggang sa nahulog ang loob nila para sa isa’t-isa.

Credit: @coleen Instagram

Isa sa inaabangan ng mga tagasubaybay ng programa ay hindi lamang ang mga katatawanang hatid ni Vice Ganda at iba pang host kung hindi ay ang kilig na ipinaparamdam ni Coleen at Billy sa mga manonood.

Credit: @coleen Instagram

2018 nang napagdesisyunan ng dalawa na magpakasal sa Balesin island kasama ang kanilang mga pamilya, at mga kapwa hosts at kasamahan sa It’s Showtime.

Noong nakaraang taon kung saan ay niyanig ng p@ndemya ang buong mundo na siyang dahilan ng pagkaantala ng mga proyekto sa mga artista. Kabilang na sa naapektuhan nito ay si Billy at Coleen pero hindi masyadong naging mabigat ang sitwasyon para sa kanila dahil iniluwal ni Coleen ang una nilang anak ni Billy na pinangalanan nilang si baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Ngayo’y 8 months old na si baby Amari talaga namang lutang na lutang ang kanyang cuteness at pagka-innocent looking. Talaga namang inaasahan ng karamihan na lalaking heartthrob si baby Amari dahil sa namana nitong kagwapuhan sa ama at ka-inosentehan ng kanyang ina.

Kumakailan lamang ay sinalubong ng Moose Gear clothing brand ang kanilang pinakabago at youngest member na si baby Amari. Proud na proud naman ngayon ang celebrity couple dahil sa tagumpay na nakamit nito sa napakamurang edad.

Credit: @coleen Instagram

Sa post na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram ay makikita ang mga cute pictures ng kanyang anak para sa kauna-unahan nitong endorsement shoot.

“Say hi to the @moosegearkids family’s newest and youngest member! 🏻”

Credit: @coleen Instagram

Marami naman ang naaliw at nacute-an kay baby Amari. Inulan ng papuri at pagbati si Coleen at Billy dahil sa kahusayan ng kanilang anak sa pagpo-pose kahit 8 months pa lamang ito.

Sa katunayan ay si Billy ang isa sa mga kauna-unahang endorser ng Moose Gear noong 1988 na siyang sinusundan ni Amari bilang newest kid member.

Credit: @coleen Instagram

“In 1988, I became one of the first endorsers of @moosegearkids, and now I am proud to share that our little ray of sunshine is their newest and youngest addition to the family,” sabi ni Billy.

Ysha Red

error: Content is protected !!