Anak ni Janice de Belen at John Estrada na si Inah, inaming nasa isip na niya ang pagpapakasal

Anak ni Janice de Belen at John Estrada na si Inah, inaming nasa isip na niya ang pagpapakasal

Parehong kilala sa industriya ng showbiz ang seasoned na actors na sina Janice de Belen at John Estrada kaya apektado talaga sa kanilang tinatamasang kasikatan ang kanilang mga anak pero ang noo’y pagkakakilanlan nila bilang mga anak ng isa sa mga sikat na artista sa Philippine showbiz ay dahan-dahan nang nakakabuo ng sarili nilang pangalan sa napili nilang mga larangan.

Credit: @inah Instagram

Sa apat na mga anak ng dating couple na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan ay tanging si Inah at Kaila lamang ang sumunod sa yapak ng kanilang mga magulang at pinasok ang pag-aartista. Kung noong una ay kilala lamang sila ng mga manonood bilang mga anak ni Janice at John, ngayon naman ay matagumpay nilang napatunayan na hindi lamang sila “showbiz royalty” kundi ay tunay na mahuhusay na mga aktres.

Sa pagpasok ni Inah sa mundo ng showbiz, mas lumalago ang interes ng karamihan tungkol sa personal na buhay ng aktres lalong-lalo na ang kanyang lovelife dahil sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay “going strong” pa rin sila ng kanyang boyfriend na si Jake Vargas. Sa katunayan, kaka-celebrate lamang nila ng kanilang ikaanim na anniversary noong October.

Credit: @inah Instagram

Ngayong mahaba-habang panahon na ang pagsasama ni Inah at Jake, aminado ang aktres na nasa isip na nila ang pagpapakasal pero marami pa umano silang gustong gawin lalo na sa kanilang career.

“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin,” sabi ni Inah sa usapang pagpapakasal.

Of course, batid naman din ng mga magulang ng aktres ang relationship nila ni Jake at sa magkahiwalay na pahayag ni Janice at John, nasabi naman nilang buo ang kanilang suporta sa kung ano ang magiging desisyon ng kanilang panganay na anak.

Credit: @inah Instagram

“If Inah is happy with him, there’s nothing I can do. I told her ‘Ikaw ang makikisama diyan, ‘di naman ako. If you think he’s already the perfect guy for you, the guy you’d want to eventually end up with, wala akong magagawa,'” pahayag ni John.

Ngayong 30 na si Inah plus stable ang kanyang artista career pati na rin ng kanyang relationship sa kapwa celebrity na si Jake Vargas ay talagang sumasagi na sa kanyang isipan ang pagpapapakasal pero ika nga ng iba, “when the time is right” ay talagang mangyayari ito.

Ysha Red

error: Content is protected !!