Anak ni Jhong Hilario, nagmistulang baby version ni Darna at binihag ang puso ng mga netizen!

Marami na ang sumubok at gumaya sa sikat na superhero na si Darna ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, walang makakatapat sa atensyong nakuha ng anak ni Jhong Hilario nang nagmistulan itong si Darna!
Credit: @jhonghilario Instagram
Mas nararamdaman na ngayon ng netizens ang malapit nang pagbabalik ng Pinay superhero na si Darna sa telebisyon dahil sa costume ng anak ni Jhong Hilario na si baby Sarina kung saan ay nagmistulan siyang mini-me version ng sikat na superhero.
Simula nang naging Daddy, talagang tutok si Jhong sa pag-aalaga sa kanyang anak, isang katangian na talagang hinangaan ng netizens. Ngayon na wala pang anumang proyekto na pinagkakaabalahan sa showbiz, patuloy pa rin sa pagbibigay ng update ang aktor sa kanyang fans sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga larawan sa social media. Talagang isang malaking pagbabago para sa buhay ng isang magulang ang pagkakaroon ng anak katulad na lamang kung paano nagkaroon ng pagkakakataon ang kanyang fans na masilayan ang ibang role ni Jhong, hindi bilang isang mahusay at sikat na aktor kundi ay bilang isang responsable at mapagmahal na ama.
Credit: @jhonghilario Instagram
Makikita at mapapanood naman sa bawat larawan o video nila ni baby Sarina na sobrang close nilang mag-ama. Marahil sa kanilang closeness, nagawang maimpluwensyahan ni Jhong ang anak pagdating sa kanyang mga hilig at isa na nga sa mga ito ay ang pagiging fan niya kay Darna.
Sa muling pagbabalik ni Darna, nagkaroon ng inspirasyon si Jhong sa magiging costume ng anak kung saan ay nagbihis bilang Darna maliit si baby Sarina.
Hindi naman ipinagkait ng aktor ang cuteness ng anak dahil ibinahagi rin ni Jhong sa Instagram ang mga larawan ni baby Sarina habang ibinibida nito ang suot na costume.
Credit: @jhonghilario Instagram
Kaagad naman na umani ng sari-saring reaksyon at papuri si baby Sarina dahil bentang-benta umano ang kanyang nag-uumapaw na cuteness sa madlang people. Iilan lamang ito sa kanilang mga komento:
“Ang ganda ganda ang cute! The Next Darna ❤️❤️❤️❤️”
“Cutiee Sari..🔥😍 little Darna❤️”
Credit: @jhonghilario Instagram
“cute naman ng little darna nayan😍😍😍😍”
“Cute ni baby Darna sarina”
Credit: @jhonghilario Instagram
Maganda, astig, at punong-puno ng karisma ang lahat ng aktres na gumanap bilang si Darna kaya naman talagang refreshing ang paggaya ni baby Sarina sa iniidolong Pinay superhero nila ng kanyang Daddy Jhong kung saan ay hindi lamang siya isang chikiting version kundi ay isa ring sweet version ni Darna!