Anak ni Mariel Rodriguez at Robin Padilla na si Isabella, pinangiti ang netizens dahil sa bigay-todo nitong pagkanta

Mula pa man noon ay marami ng ginampanan na karakter ang aktres at TV Host na si Mariel Rodriguez-Padilla. Kagaya na lamang ng Agent X44 noong 2007, Sa Ngalan Ng Ama, Ina, at mga Anak, at Turn: My Pledge of Love dahilan para makilala siya sa industriya ng showbiz.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Taong 2010 nang ikinasal si Mariel kay Robin Padilla at ngayo’y sampung taon nang nagsasama ng masaya ang dalawa. Ibinahagi ni Robin sa Magandang Buhay noong taong 2018 ang love story nila ng asawang si Mariel kung saan ay nagsimula nang naging guest siya sa loob ng dalawang linggo sa noontime show na “Wowowee”. Ayon pa kay Robin ay sa loob ng dalawang linggo niyang stay sa programa ay nakatanggap siya ng “tokens of appreciation” galing kay Mariel kagaya na lamang ng love letters.
Magmula nang interaksyon na iyon ay nagsimula ang kanilang pagkahumaling sa isa’t-isa at nagpakasal noong taong 2010. Naging masaya naman ang dalawa sa piling ng isa’t-isa at sa anim na taon magmula ng sila’y ikasal ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nabiyayaan ang couple ng anak.
Credit: @marieltpadilla Instagram
November 14, 2016 nang ipinanganak ni Mariel ang babaeng anak na si Maria Isabella. Sa edad na 4 ay nagpamalas na ito ng pagkahilig sa pagkanta.
Kamakailan lang ay nagbahagi ang proud mom na si Mariel ng isang minutong video ng anak na si Maria Isabella habang ito’y umaawit ng kantang “Reflection”. Ang naturang awitin ay ang theme song na isang Disney movie na “Mulan”.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Kabisado ni Maria Isabella ang lyrics ng kanta at buong bigay ito sa pag-awit. Bukod pa rito ay nakasuot din siya ng costume ng main character ng pelikula na si Mulan.
View this post on Instagram
“My singer… sound on!!!” sulat ni Mariel Padilla bilang caption.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Umani naman ang mismong post ng aktres slash TV Host ng iba’t-ibang papuri galing sa kapwa artista at kasamahan sa trabaho na si Anne Curtis, at mga supportive fans na natuwa sa bigay-todong pag-awit ni Maria Isabella.
“Goooooo Isabella!!!!!” komento ni Anne Curtis.
“Turuan ko siya shojoji!” sabi naman ni Alex Gonzaga.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Marami din ang nagsabing nagmana kay Mariel ang kanyang anak pagkumanta.
“Little Ma talaga! ❤️???❤️”
Credit: @marieltpadilla Instagram
“Ikaw na ikaw Mariel!!! ❤️❤️❤️”