Anak ni Small Laude na si Allison, pasado sa isang prestihiyosong university sa California!

Anak ni Small Laude na si Allison, pasado sa isang prestihiyosong university sa California!

Natural lamang para sa mga kabataan na magkaroon ng matatayog na mga pangarap at upang makamit ang mga ito, kinakailangan talaga nila ng suporta mula sa kanilang mga magulang at tila’y hindi naman kailanman nagkulang ang mag-asawang Small at Philip Laude sa pagtustos sa pangarap ng kanilang mga anak dahil kahit gaano pa man kataas ang mga ito, todo talaga ang ibinibigay nilang suporta.

Credit: @smalllaude Instagram

Kahit na’y hindi man pinasok ang pag-aartista, kilalang-kilala naman ang mga Laude sa buong Pilipinas dahil sa pagkakakilanlan ni Philip Laude bilang isang “business mogul” at pagiging socialite naman ng kanyang asawa na si Small lalo na ngayong pinasok na niya ang mundo ng vlogging kung saan ay ipinapasilip na niya sa publiko ang kanilang extravagant na lifestyle. Dahil sa pagva-vlog ni Small, mas nakilala rin ng fans ang kanyang mga anak na kasalukuyan ngayong kinagigiliwan ng karamihan.

Maliban kina PJ, Timothy, at Michael, labis din na kinagigiliwan ng fans ang kanilang unica hija na si Allison na madalas na tawaging “chinadoll” ng kanyang Mommy Small. Sa masingkit nitong mga mata, nagmumukha talaga siyang Chinese na manika. Bukod nito, madalas din na napupuna ng netizens ang pagkakahawig niya kay Jennie Kim na miyembro ng “Blackpink” pero hindi lamang magagandang looks ang meron si Allison dahil may angkin din siyang katalinuhan.

Noon pa man, determinado na umano si Allison na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral abroad kaya ngayong magko-kolehiyo na siya, abala talaga siya sa kanyang application sa natitipuhan niyang universities at isa na nga sa mga ito ay ang Claremont McKenna College sa California.

Credit: @smalllaude Instagram

Makaraan ang ilang buwan at linggo na paghihintay ni Allison sa response ng nasabing university, sa wakas ay nakatanggap na siya ng “confirmation email” na nagsasabing matagumpay siyang nakapasok na masaya namang ipinagdiwang ng buong pamilyang Laude.

Sa pagiging proud ng kanyang Mommy Small, ipinahayag ng socialite sa Instagram ang kasiyahang nararamdaman kalakip ng ibinahagi niyang video kung saan ay mapapanood ang masayang reaksyon ng pamilyang Laude sa achievement ni Allison.

“Congratulations Allison! So proud of you! Despite the fact that mom wanted you to stay. Time flies so fast I can’t believe you’re going to college,” ayon kay Small Laude.

Credit: @smalllaude Instagram

Ayon kay Small, ang Claremont McKenna College ang numero uno na choice ng kanyang unica hija kaya mas naging sweet at meaningful umano ang accomplishment na ito ni Allison.

Sa magandang reputation ng nasabing university, hindi rin biro ang 3.3 milyong tuition fee nito pero gayunpaman, buong-buo pa rin ng suporta ng pamilyang Laude kay Allison.

Congratulations, Allison Laude!

Ysha Red

error: Content is protected !!