Anak nila Doug at Chesca Kramer na si Gavin, masayang nakapaglaro na muli ng face to face sa basketball court

Kahit ano mang liit o laki ng achievement ng mga anak, proud na proud at na-aappreciate talaga ito ng mga magulang. Nakakatuwa lang kasi sa pakiramdam na matunghayan ang growth at improvement nila sa paglipas ng panahon.
Credit: Team Kramer Facebook
Dahil sa pagpasok ng Team Kramer sa mundo ng vlogging, halos updated ang kanilang fans sa bawat ganap sa kanilang pamilya at na-witness din natin ang paglaki ng mga chikiting ng couple na si Chesca Garcia at Doug Kramer.
Hindi man personal na kilala ng netizens ang pamilyang Kramer, masasabi naman na kung ano sila sa harap ng kamera ay ganoon din sila sa likod sa kamera – isang simple, masaya, at magandang pamilya.
Sa pagsusubaybay sa kanilang vlogs, masasabi na sobrang close nila sa isa’t-isa. Ibinabahagi rin ng couple sa social media ang bawat achievement at improvement ng kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Usapang nag-eexcel man sa academics, extra curricular o sports man ay walang pinapalagpas ang couple.
Credit: Team Kramer Facebook
Maliban sa pagkakakilanlan ng Team Kramer sa kanilang magagandang genes, hinahangaan din ng karamihan ang influence ni Doug sa kanyang bunsong anak na si Gavin na ngayon ay dahan-dahang sumusunod sa kanyang yapak sa larangan ng basketball.
Ilang taon naman simula nang mag-retiro sa PBA, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ni Doug sa basketball na isa sa pagkakapareha nila ni Gavin na ngayon ay sobrang determinadong i-improve ang namana niyang talent at skills mula sa kanyang Daddy Doug.
Dahil sa p@ndemic, dalawang taon din na natigil sa paglalaro ng basketball si Gavin kasama ang kanyang coach at teammates kaya nang muling nakabalik sa court, sobrang proud ngayon ang Team Kramer dahil sa wakas, muli na namang ipapamalas ni Gavin ang kanyang husay at galing sa nasabing sport.
Credit: Team Kramer Facebook
Sa isang post ng Team Kramer sa official nilang Facebook account kalakip ng larawan ni Gavin habang nasa court, ipinahayag ng pamilya ang kanilang saloobin.
“So proud of Gavin! Today marked his first time in 2 years for f2f basketball,” sulat ng Team Kramer sa unang bahagi ng kanilang caption.
9 taong gulang pa man, seryoso at determinado na si Gavin na matuto sa pamamagitan ng maigi niyang pakikinig sa kanyang coach at pakikipagmabutihan sa kanyang teammates na isa sa importanteng qualities ng isang manlalaro ng basketball.
Credit: Team Kramer Facebook
“A long way to go, but I’m proud that his attitude to learn and eagerness to improve is evident,” ayon sa Team Kramer.
Sa muling pagbabalik ni Gavin sa court, expected na mas mapapalawak pa niya ang kanyang kaalaman sa sport at mas mapapabuti pa niya ang sarili.