Anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, ipinarinig ang kanyang angelic voice sa netizens

Muli ay inagaw ni Baby Tali ang atensyon ng celebrities at netizens!
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Pride ng mag-asawang sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna ang nag-iisa nilang anak na si baby Talitha Maria Luna Sotto o mas kilala sa palayaw niyang “Tali”. Noon pa man, kinahuhumalingan na si baby Tali ng netizens dahil sa kanyang kakyutan at pagiging adorable na bata na walang ibang hatid kung hindi purong good vibes lamang.
Sabado, September 5 nang ibinahagi ng kanyang Mommy Pauleen ang video sa Instagram kung saan ay masasaksihan ang kahusayan at kagalingan ni baby Tali sa pagkanta. Katabi ang kanyang Daddy Vic na mataimtim na nakikinig sa anak habang kumakanta ng “Glory to God,” ipinamalas ni baby Tali ang kanyang mala-anghel na boses.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Sa maayos niyang pagbigkas ng bawat salita sa kanta at sa tamang tono ng kanyang kanta, hindi napigilan ng netizens at kapwa celebrities ang magbigay ng papuri. Isa na nga sa nagkomento ay ang kanyang Ate na si Danica Sotto-Pingris, Jackie Forster, MJ Lastimosa, Karla Estrada, at marami pang iba.
Of course, sa pagpapakitang-gilas ni baby Tali sa pagkanta, labis na lamang ang naramdamang pagka-proud ng kanyang Mommy Pauleen at Daddy Vic.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“Very good,” papuri ni Bossing Vic sa kanyang anak.
Maaalala rin noong buwan ng Agosto nang nagbahagi ng maikling video si Pauleen sa Instagram kung saan ay matutunghayan ang pagpapamalas ni baby Tali sa kanyang talento sa pag-awit ng “Salvation Poem,” na mula sa sikat na series na “Superbook”.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Sa caption ng kanyang Mommy Pauleen, ikinuwento niyang ilang araw na simula nang nagsimulang awitin ni baby Tali ang kantang “Salvation Poem” pero ito umano ang unang pagkakataon na narinig niya ang maayos na pagkakabigkas ng anak sa lyrics dahilan kung bakit kaagad niyang iniwan ang pinagkakabalahan.
Sa mga video na ibinabahagi ni Pauleen, mapapansin na kadalasang mga kinakanta ni baby Tali ay awitin tungkol sa Panginoon. Maliban sa kanyang kakyutan at talento, malapit din si baby Tali sa Panginoon na talaga namang ipinagpapasalamat ng kanyang mga magulang.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
“This song that she’s been singing is about our Lord! Oh my eyes started to get wet and i couldn’t help but feel humbled! Oh dear God, Your love is definitely shining through this little girl! Thank you for making your presence be felt especially during uncertain times like this! And thank you for blessing us with a child who loves You so much! It is so natural, we are in awe!”
Sa napakamurang edad, ipinamalas na ni baby Tali ang kanyang kahusayan sa pagkanta at inaasahang mas gagaling pa siya sa pagdaan ng panahon.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Talaga nga namang excellent sa maraming bagay ang Baby Tali ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.