Anak nila Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, simple ngunit espesyal ang birthday gift para sa kanyang Kuya Vico Sotto

Kilala ng karamihan lalo na ng mga kabataan si Vico Sotto, ang batang Mayor ng Pasig. Bukod sa gwapong mukha at kilala bilang isang masunurin at mabuting bata ay talaga namang hinahangaan ang batang alkalde sa mga achievement na nakamit nito na ikinabuti ng lungsod ng Pasig.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Ang kagwapuhang taglay ng kinikilalang batang alkalde ng Pasig na si Vico ay namana niya sa kanyang ina na si Coney Reyes na isa sa mga sikat at mahuhusay na aktres noong kanyang kapanahunan hanggang ngayon at sa kanyang ama na si Vic Sotto, isang sikat na artista at komedyante na nagmula sa angkan ng mga politiko.
Credit: @vicosotto Instagram
Sa murang edad ay itinaguyod niya ang Pasig papunta sa kaunlaran at kapayapaan. Hindi naman maitatanggi ang pag-unlad ng lugar sa ilalim ng administrasyon ni Vico dahil talaga namang nakakatanggap siya ng mabubuting papuri mula sa mga taong nasasakupan niya pati na rin ng mga kabataan sa ibang bahagi ng Pilipinas.
Credit: @vicosotto Instagram
Noong June 17 ay nag-celebrate si Vico ng kanyang 32nd na kaarawan. Sa mismong araw na iyon ay nakatanggap ang batang mayor ng warm greeting galing sa kanyang nakakabatang kapatid sa kanyang ama at sa kasalukuyang asawa nito na si Pauleen Luna na si baby Tali.
View this post on Instagram
Sa loob ng 20 seconds na video na ibinahagi ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram page ay makikita si baby Tali na kumakanta ng “Happy Birthday, Kuya Vico” ng limang beses.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Nang matapos sa pagkanta ay nagpaabot siya ng maikli at makabuluhang mensahe para sa kanyang Kuya Vico at kalaunan ay nagbigay ng flying kiss.
“Hi, Kuya Vico. Happy Birthday! God bless you,” sabi ni Tali.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Marami naman ang nacutean at natuwa kay baby Tali. May ilan ring bumati sa birthday boy na si Vico Sotto at nagpaabot ng kanya-kanyang mensahe para sa kaarawan nito.
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Talaga namang makikita ang lubos na pagmamahal ni Tali sa kanyang Kuya Vico na siyang kinagigiliwan ng mga netizen.