Andi Eigenmann at Jake Ejercito, super proud sa kanilang anak na si Ellie na isang certified girl surfer!

Andi Eigenmann at Jake Ejercito, super proud sa kanilang anak na si Ellie na isang certified girl surfer!

Isa sa mga celebrity kid na agaw atensyon ngayon sa social media ay ang anak ng dating aktres na si Andi Eigenmann at aktor na si Jake Ejercito na si Ellie.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bukod kasi sa taglay na ganda ni Ellie, hinahangaan din siya ng marami ngayon dahil sa kanyang ipinapakitang talento pagdating sa iba’t ibang water sports. Kabilang nga sa mga kinahihiligan ngayong water sport ni Ellie ay surfing.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Tila naging playground na ni Ellie ang maalon na dagat ng Siargao mula nang manirahan siya roon kasama ang kanyang Mommy Andi at mga nakababatang kapatid.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Kamakailan lamang ay muling pinabilib ni Ellie ang netizens pagkatapos niyang i-upload ang isang video kung saan mapapanood ang kanyang pagsi-surf.

Makikita sa ipinost na video ni Ellie sa kanyang Instagram ang mahusay na pagsi-surf niya sa isla. Sa kanyang murang edad, ipinakita ni Ellie na kaya na niyang mag-surf ng walang suporta. Pinatunayan ito ni Ellie matapos na walang kahirap-hirap niyang sinakyan ang mga alon habang ibinabalanse ang kanyang sarili sa kanyang surfboard.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Hindi naman nakapagtataka pa na sa edad na 9-anyos ay marunong nang mag-surf si Ellie dahil maging si Andi ay ito rin ang isa sa mga kinahuhumalingang water sport. Maliban dito, personal din na nakakakuha ng surfing lessons si Ellie sa fiance ng kanyang Mommy Andi na si Philmar Alipayo na kilala ng marami dahil sa kanyang bagsik pagdating sa pagsi-surf.

Samantala, ini-repost ni Andi sa kanyang Instagram ang nasabing surfing video ni Ellie upang ipahayag ang kanyang tuwa at suporta para rito.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Ayon kay Andi, tumagal ng ilang buwan bago makabalik si Ellie sa pagsi-surf matapos silang malayo sa Siargao sa loob ng maraming buwan. Matatandaang noon lamang March nakauwi sina Andi pagkatapos nilang manatili sa Maynila para paghandaan ang kanyang panganganak sa kanilang bunsong anak na si Koa.

Credit: @ellieislandgirl Instagram

Ani Andi, “She’s back on the surfboard! Took a while for her since we’ve been back a couple months now, but better late than never.hehe she’s been going as much as she could, rain or shine!”

Dagdag niya, “I’ve said before that I will support her in anything and everything she (and my other kids) decide to do, so long as it makes them happy. But I must admit, it also makes me happy that a couple of these are the same things that make me happy too.”

Nakakahanga nga naman talaga ang husay na ipinapakita ng Happy Islanders family pagdating sa ilang water sports tulad ng surfing.

Credit: @andieigengirl Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, bukod kay Ellie ay hinahangaan din ngayon ng netizens ang ikalawang anak ni Andi na si Lilo na sa kanyang napakamurang edad ay game na game rin na sumabak sa pagsi-surf.

Ysha Red

error: Content is protected !!