Andi Eigenmann, ipinasilip sa netizens ang paggawa ng nakakatakam na buyad!

Tunay nga na may pagkakatulad ang contents ng “Happy Islanders” sa iba dahil pare-pareho lang naman nilang nais na makapagbigay ng kasiyahan at kaginhawaan sa kanilang mga manonood pero tila’y may isang pagkakaiba ito kumpara sa iba dahil maliban sa pagpapasilip sa kanilang buhay sa isla ng Siargao, nakakapaghatid din ang couple na si Andi Eigenmann at Philmar Alipayo pati na rin ang kanilang mga chikiting ng importanteng impormasyon at life hacks na talaga namang may impact sa netizens.
Credit: Happy Islanders YouTube
Sa maraming taon na paninirahan ng dating aktres na si Andi Eigenmann sa Siargao kasama ang kanyang partner at ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa, talagang nasanay na siya sa simpleng pamumuhay sa probinsya kaya mula sa extravagant na buhay niya sa siyudad, napakalaki talaga ng kanyang ipinagbago.
Kung noon ay nasanay si Andi na may nakahandang masasarap na mga pagkain sa lamesa sa tuwing siya’y kumakain, ngayon naman ay natuto siyang magluto at maghanda ng sariling kakainin at kadalasan pa nga sa mga ito ay ulam na madalas na nakikita sa hapagkainan ng mga taong hirap sa buhay katulad na lamang ng buyad.
Credit: Happy Islanders YouTube
Sa latest na vlog ng “Happy Islanders,” ipinasilip ng dating aktres ang paggawa niya ng buyad o “dried fish” kung saan ay nag-share rin siya ng tips kung paano ito gawin nang hindi masyadong maalat.
“The reason why I like to make homemade buyad is because mahirap makahanap ‘nung hindi gaano kaparat (kaalat). Gusto namin kami ‘yung magtimpla ‘nung saltiness,” sabi ni Andi.
Totoo nga naman na ang madalas nating nahahanap at nabibiling buyad sa mga pamilihan ay maalat kaya minabuti na lamang ni Andi na gumawa na lamang upang makontrol niya ang saltiness.
Credit: Happy Islanders YouTube
Sa vlog niyang ito, ibinahagi rin niya ang tip kung paano gumawa ng buyad na hindi masyadong maalat kung saan ay imbes na asin ang gamitin, mas mainam umano na gumamit ng saltwater.
Credit: Happy Islanders YouTube
Undeniably, para talagang “breath of fresh air” ang bawat vlog ng “Happy Islanders” dahil kahit na’y wala tayo sa Siargao ay ramdam na ramdam pa rin natin ang “provincial lifestyle” pero sa kanilang latest update, hindi lamang sila nakapagbigay ng kasiyahan dahil nakapagbahagi rin sila ng makabuluhang tip sa paggawa ng buyad.