Andi Eigenmann, may mahalagang aral na natutunan nang nasiraan sila ng sasakyan at na-stranded sa gitna ng daan

Andi Eigenmann, may mahalagang aral na natutunan nang nasiraan sila ng sasakyan at na-stranded sa gitna ng daan

Nakagawian na ng pamilya ni Andi Eigenmann na magtungo sa iba’t ibang parte ng Siargao para mamasyal at i-enjoy ang mga naggagandahang tanawin sa isla.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ang pamamasyal nga ay naging bonding na ni Andi at ng kanyang fiancé na si surfing champion Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak na sina Lilo, Baby Koa at ang panganay ni Andi na si Ellie.

Madalas namang ibahagi ni Andi sa kanyang Instagram account at YouTube channel ang masasayang bakasyon nilang magpamilya na nagbibigay din ng kasiyahan sa kanilang mga tagahanga.

Credit: @andieigengirl Instagram

At kamakailan lamang ibinahagi ni Andi sa netizens ang isang mahalagang aral na natutunan umano niya mula sa kanilang recent bakasyon.
Sa kanyang Instagram post, ikwenento ni Andi ang naging karanasan nilang magpamilya matapos silang masiraan ng sasakyan at ma-stranded sa gitna ng kawalan, walang signal at tubig.

Ayon kay Andi, ibabahagi niya sana sa lahat ang ‘hassle’ na kanilang naranasan ngunit nang makita niya ang mga ngiti ng kanyang mga anak sa mga letrato na kanyang nakuhanan ay napagtanto niyang sa mga sandaling iyon ng kanilang buhay ay sobrang saya nilang magpamilya.

Credit: @andieigengirl Instagram

Kwento ni Andi, “Our car br0ke down in the middle of “nowhere”…I knew when I posted these pictures, that I wanted to share the hassle of a day we had. But as I scroll through, I notice the big smiles, and can’t help but recall this moment as a fun one!”

Mula nga sa kanilang naging karanasan, natutunan umano ni Andi na hindi lahat ng mga nangyayari sa buhay ay naaayon sa ating kagustuhan. At nakakainis man daw na isipin, ani Andi, maaari namang tanggapin nang bukal sa loob at may pagpapakumbaba ang sitwasyon.

Credit: @andieigengirl Instagram

Ang aral nga na ito ang gustong itanim ni Andi at ni Philmar sa isipan ng kanilang mga anak.

Ani Andi, “This is an important lesson I am happy that my fiancè and I both want to instill in our children. And looking back, it makes me proud to realise that maybe it was the kids that taught us this lesson in the first place.”

Dagdag niya, “Not once did they complain, they were just enjoying themselves, being out in the world, amongst all those coconut trees. They were just curious about what had surrounded them, and it was just papa and I that joined in on their little adventure.”

Credit: @andieigengirl Instagram

Para naman kay Andi, magandang huminto muna at tingnan ang mundo sa mata ng mga bata. Sa paraang kasing ito, makikita natin ang kasiyahan sa mga simpleng bagay.

Samantala, mapapanood ang kabuuang karanasan ng buong Happy Islanders family sa kanilang YouTube channel.

Ysha Red

error: Content is protected !!