Andi Eigenmann, nagbenta ng kanilang mga lumang damit para mai-donate ang kikitain sa day care at health care sa Siargao

Andi Eigenmann, nagbenta ng kanilang mga lumang damit para mai-donate ang kikitain sa day care at health care sa Siargao

May mga artista pa rin na kahit anumang tagumpay ang nakamit sa buhay ay hindi pa rin nila nakakalimutang tumulong sa kapwa. Kahit nakamit man ang karangyaan ay nanatili pa ring mabubuti ang kanilang mga puso. Isa na lamang dito ay si Andi Eigenmann, isang sikat na artista na ngayo’y mas pinili ang humble at peaceful na buhay sa magandang isla ng Siargao kasama ang mga anak at ang fiancé na si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kahit wala na sa showbiz si Andi ay patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga. Ibinabahagi niya naman sa kanyang social media accounts ang ilang pangyayari sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Kamakailan lamang ay muling pinahanga ng aktres at vlogger na si Andi nang ibahagi niya sa kanyang YouTube channel ang kaganapan sa kanyang buhay sa loob ng isang linggo at isa na rito ay ang pagbebenta niya ng kanyang mga preloved na damit.

Credit: Happy Islanders YouTube

Sa ibinahaging vlog ni Andi ay makikita ang kanyang paghahanda kasama ang mga kaibigan sa Siargao sa pagbebenta ng mga lumang damit na ngayo’y hindi na nila nagagamit. Ayon pa kay Andi ay ang perang kikitain umano nila ay ido-donate nila para sa day care at health care center ng kanilang lugar sa isla.

Itinayo nila ang kanilang puwesto sa pagtitinda sa gilid mismo ng kalsada upang makita kaagad ng mga taong dadaan o mga kapitbahay.

“We have a set-up here outside kasi para makita ng mga tao dito sa neighborhood naming na naglalabay-labay,” sabi ni Andi.

Credit: Happy Islanders YouTube

Kuwento pa ni Andi na matagal na umano niyang nais na magkaroon ng ideya sa kung ano ang gagawin sa mga damit na hindi na niya magagamit nang hindi nasasayang.

“Matagal ko ng gustong magkaroon ng purpose iyong mga preloved clothes namin. Alam kong maraming makikinabang and, of course, it’s better for the environment if I can see na napa-pass on ko siya,” ani ng aktres.

Credit: Happy Islanders YouTube

Ayon kay Andi ay noong una ay nahiya umano siyang magbenta ng mga lumang damit. Mabuti na lamang daw at nagkaroon ng fundraising ang kanyang kaibigan kasama ang Isla Medical Foundation upang i-improve ang health care at day care center ng kanilang lugar.

Credit: Happy Islanders YouTube

Napagtanto ni Andi na hindi masasayang ang perang ibabayad ng mga bibili dahil sa lugar din naman nila mapupunta ang lahat.

“So, naisip ko para hindi naman sayang ang binayad ng mga locals, sa kanila ko na rin ibabalik iyong naibigay nila kaya ilalagay natin sa health care center ‘yung earnings para makatulong naman, di’ba? And maka-help na ma-provide iyong mga kulang na materials di’ba? Na mas pagandahin at ayusin pa iyong health care center namin dito.”

Ysha Red

error: Content is protected !!