Andi Eigenmann: “Pag ganito ‘yung bahay natin, masaya na ako basta kasama kita”

Nag-iba talaga ang pananaw ni Andi Eigenmann sa buhay simula nang mapamahal sa isla ng Siargao.
Credit: @andieigengirl Instagram
Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang simpleng relasyon ni Andi Eigenmann at fiancé niyang si Philmar Alipayo, isang professional na surfer.
Simula nang iniwan ang buhay niya sa siyudad at nanirahan sa mapayapang isla ng Siargao kasama si Philmar at ang mga anak, nasanay at napamahal na si Andi sa simpleng pamumuhay.
Ipinapasilip naman ni Andi at Philmar sa publiko ang kanilang pamumuhay sa Siargao sa pamamagitan ng vlogs na ibinabahagi nila sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders.
Credit: @andieigengirl Instagram
Madalas na nag-eenjoy sa beach at nagsu-surf o hindi kaya’y nagkakaroon ng foodtrip. Sa pinakabagong vlog naman na ibinahagi ni Andi, mapapanood kung paano nila sinulit ang weekend sa Pacifico, Siargao.
Nang makarating sa kanilang destinasyon, nag-enjoy sila sa pag-inom ng fresh buko, namili ng mga gulay at sariwang isda. Sa beach naman sinulit ng buong pamilya ang kanilang buong hapon. Of course, hindi mawawala ang surfing bilang bonding ng pamilya.
Sa ikalawang araw naman ng kanilang trip, nakakita sina Andi at Philmar ng bahay-kubo. Simple at maliit lamang ang bahay pero nagustuhan kaagad ito ng aktres.
“‘Pag ganito ‘yung bahay natin, masaya na ako basta kasama kita,” ayon kay Andi.
Credit: @andieigengirl Instagram
Kaagad naman siyang inulan ng papuri dahil sa walang-arte nito sa bahay na pwedeng tirhan basta ba ay kasama niya ang mahal niya sa buhay.
Ngunit hindi lamang dito natapos ang kilig na naramdaman ng netizens dahil muli na naman silang kiniliti ng nag-uumapaw na kilig at kasiyahan sa naging sagot ni Philmar sa fiancée.
Ayon kay Philmar, gusto pa umano niyang dagdagan ang kanilang pamilya ng tatlong anak kaya talagang hindi sila magkakasya kapag ganoon lamang kaliit ang bahay nila.
Kaagad namang napatawa si Andi nang narinig ang sagot ng fiancé. Halos hindi naman maka-get over ang kanilang fans sa naging usapan ng couple at nagpabatid ng kilig sa comment section.
Credit: @andieigengirl Instagram
“Andie: Mahal, kung ganito bahay natin masaya na ako bastat kasama kita 😍😍😍😍 Thats real love is 🥰”
“Ang sagot ni filmar sabi nya kong ito ang ating bahay at dagdagan kupa ng tatlong anak hindi tayo magkakasya😂😂”
“Sagot ni philmar pag nagdagdag pa daw 3 kids di na sila kasya natawa ako doon hehehe”
Talagang pinatunayan ni Andi Eigenmann na kahit ilang taon man siyang nanirahan at nasanay sa buhay-siyudad, hindi naman naging imposible para sa kanya na mapamahal sa simpleng pamumuhay sa probinsya kung saan ay kuntento siya sa kung anong meron siya ngayon basta ba’t kasama niya si Philmar at siyempre ang cute nilang mga anak.