Andrea Brillantes, binigyan ng P360,000 budget para ipang-shopping niya sa mga luxury stores

Andrea Brillantes, binigyan ng P360,000 budget para ipang-shopping niya sa mga luxury stores

Kahanga-hanga ang tinatamasang kasikatan ng batang aktres na si Andrea Brillantes. Maging sa mundo ng social media, isa rin si Andrea sa mga sinusubaybayan ng maraming netizens dahil sa kanyang angking ganda at husay sa pagba-vlog at paggawa ng mga TikTok video.

Credit: @blythe Instagram

Sa kasalukuyan, maraming malalaking brand ang kumukuha kay Andrea para maging mukha ng kanilang produkto. Kabilang sa mga brand kung saan tumatayong ambassadress si Andrea ay ang patok ngayong beauty at cosmetic brand na Brilliant Skin Essentials Inc.

Credit: Andrea B. YouTube

Malaki naman ang pasasalamat ng CEO ng nasabing kumpanya na si Glenda Victorio kay Andrea. Kaya naman sa pagsapit ng 18th birthday ni Andrea ay ipinag-shopping niya ito.

Makikita sa inupload na YouTube vlog ni Andrea sa kanyang channel nitong June 1 ang pagsa-shopping nila sa iba’t ibang luxury store sa isang mall.

Credit: Andrea B. YouTube

Tumatagingting na P360,000 ang kabuuang halaga ng inilaang budget ni Glenda para sa pagsa-shopping ni Andrea.

Unang namili sa Louis Vuitton si Andrea kung saan ay kaagad siyang na-in love sa isang hairclip set na nagkakahalaga ng P18,200. Habang naghihintay sa binili nilang hairclips, ininterview muna ni Glenda si Andrea. Natanong ni Glenda si Andrea kung sino ang pinaka-importanteng tao sa kanyang buhay ngayon.

Sagot naman ni Andrea, ito ay ang kanyang nakakatandang kapatid dahil hindi lamang niya ito basta ate kundi ay matalik din niya itong kaibigan at minsan ay tumatayong nanay niya.

Halos hindi naman makapaniwala si Glenda nang sabihin ni Andrea na isa sa mga pinagmumulan ng kanyang insecurities ay ang kanyang katawan.

Credit: Andrea B. YouTube

Ani Andrea, “Katawan ko. Tiyan ko. Malaki tiyan ko eh. Matatago lang siya sa maong pero mabilbil ako promise.”

Diretsahang sinabi rin ni Andrea na ayos lang na mawala sa kanyang buhay ang mga ‘epal’ at nangingialam sa kanyang buhay.

Giit pa ni Andrea, “Yung mga haters sa totoo lang kailangan mo sila eh para mas maging masipag ka… Pero yung mga epal, yung mga nangingialam…magalit lang kayo sa akin, cute pa rin ako.”

Credit: Andrea B. YouTube

Sa pagpapatuloy ng kanilang pagsa-shopping, isang bag ang nabili ni Andrea sa Prada, isang belt sa Gucci at isang bag naman sa Balenciaga.
Habang naglalakad, ikwenento ni Andrea na matagal na niyang pangarap na mag-shopping at maglakad sa mall na maraming bitbit na shopping bags.

“Pero pangarap ko talaga dati, iniisip ko na mag-iipon ako ng malaking pera tapos mag-iisang day ako na purong shopping para maglalakad ako [na maraming dalang shopping bags], tapos nangyari,” ani Andrea.

Napatalon naman sa tuwa si Andrea dahil kahit lampas na siya sa budget ay binili pa rin ni Glenda ang pangarap niyang LV white shoes at scarf.

Credit: Andrea B. YouTube

Sa huli, umuwing may napakalaking ngiti sa mukha si Andrea. Pinasalamatan din niya si Glenda na aniya, isang “brilliant blessing” sa kanyang buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!