Andrea Del Rosario, nagbigay ng tour sa kanilang malawak na bahay bakasyunan na may napakalaking farm sa bakuran nito!

Pinatunayan ni Andrea Del Rosario na kaya niyang gumawa ng ibang bagay bukod sa pag-arte nang ibinunyag niya sa publiko na nag-umpisa na siyang mag-farming!
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
Kilala si Andrea Del Rosario sa industriya ng showbiz bilang isang magaling na aktres. Napakahusay niya pagdating sa pag-arte na siyang eksplenasyon kung bakit ganoon na lamang karami ang humahanga at sumusuporta sa kanya. Ngunit, bukod sa pag-arte ay may kakayahan din si Andrea pagdating sa farming.
Agosto 1 ngayong taon nang ipinasilip ng aktres ang farm na pagmamay-ari umano ng kanyang boyfriend na si Anthony Garcia, isang propesyonal na polo player sa US pati dito sa Pilipinas. Sa “Sarap, ‘Di ba? Bahay Edition” ay nagkaroon ng farm tour si Andrea.
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
“Since my boyfriend owns a farm na ganito, nakiki-hacienda na rin ako,” pahayag ni Andrea. Paglilinaw ng aktres at dating vice mayor ng Calatagan, Batangas ay sinabi niyang may investments siya sa farm ng boyfriend.
“What I mean is, I own a few animals. Nag-invest ako sa baka. Nag-invest din ako sa kambing, manok. So, ayun… nakiki-hacienda na rin ako dito,” sabi ni Andrea.
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
Nang ipinakita ang buong farm ay nabanggit ng aktres na 6-hectares umano ito kalaki na may kasamang 7 malalaking bedrooms at swimming pool.
Marami namang netizens ang napa-wow sa kalaki at ka-social ng farm na ipinasilip ni Andrea. Sobrang ganda at napakamaaliwalas ng lugar. Perfect kapag gustong mag-relax at magtanggal ng stress.
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
Nasabi rin ni Andrea na may mahigit 300 na manok silang inaalagan sa farm sa Calatagan, Batangas. Bukod dito ay mayroon din silang Boer goats na nanggaling sa States.
Makikita rin sa virtual tour ni Andrea na sanay talaga siya gawaing pagfa-farm at pag-aalaga ng mga hayop. Hindi man lang siya nakitaan ng hindi pagkahilig o kung ano mang hint ng disgusto na siyang labis na hinangaan ng mga netizens.
Imbes na bumili ng mamahaling mga gamit ay napupunta umano ang halos lahat ng kita ni Andrea sa pagbibili ng mga hayop at pag-uupgrade sa kanilang farm.
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
“Kung iyong ibang artista, bumibili sila ng bag or shoes… ako po, iyan po ang aking binibili. So, everytime may kinikita po ako, napupunta sa livestock or animals,” ayon kay Andrea.
Bago tuluyang matapos ang video ay ipinakita ni Andrea kung gaano kalaki ang kanilang farm. May malawak pa nga silang field kung saan sila naglalaro ng polo na nagsilbi umanong “bonding” ng kanilang pamilya.
Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube
Hindi naman maipagkakaila na komportable talaga si Andrea sa gawaing farm. Bukod sa spotlight dulot ng pagiging artista ay may puso rin siya pagdating sa farming.