Andrea Torres, sinabi kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki na kanyang papakasalan

Aminin, minsan na talagang sumagi sa ating isipan ang taong nais nating makatuluyan at makasama sa habangbuhay. Kung noo’y mga bata pa lamang tayo, mala-fairytale talaga ang standards natin marahil ay dahil sa napapanood nating teleserye at drama sa TV ngunit sa ating pagtanda, mas nagiging wise at practical na tayo kaya talagang nagbabago rin ang ang ating ideal na person.
Credit: @andreaetorres Instagram
Sa kagandahan ng isang Andrea Torres, talagang marami ang nag-aakalang gwapo, hunk o hindi kaya’y simpleng charming ang tipo niya sa isang lalaki ngunit sa interview kasama si Toni Gonzaga kumakailan lamang, ginulat ng aktres ang karamihan dahil sa kanyang deep, detailed at specific na qualities ng taong nais niyang mahalin at makasama forever.
Nabanggit din ni Andrea na kailangan talagang masaya mag-isa ang isang tao bago magdesisyon na pumasok sa isang relationship na ayon sa kanya ay matagumpay naman niyang nabigay sa sarili dahil sa kabila ng heartbreak at struggles na pinagdaanan niya sa previous niyang relationship, mas natuto umano ang aktres na mas mahalin ang sarili. Ngayong feel na niyang happy, contented at kumpleto na siya, aminado siyang handang-handa na siyang ma-inlove muli.
Credit: @andreaetorres Instagram
“Gusto ko tulungan kayo sa dreams ng isa’t-isa. Ako naniniwala na hindi dapat na ikukumpleto ka ‘nung tao pero dapat kumpleto ka na as is. Happy ka na muna mag-isa sa kung ano ‘yung meron ka para ‘pag nagsama kayong dalawa, parang mas lalong lalaki ‘yung mundo ninyo,” saad ni Andrea.
Dagdag pa niya, “Gusto ko siyempre God-fearing. Gustong-gusto ko ‘yung idea na pwede kaming mag-pray together. Gusto ko ‘yung close sa family, masipag. Mas gusto ko siyempre na wala sa showbiz pero if ever ibigay sa’kin nasa showbiz, as long as pareho at kaya naming ihiwalay ‘yung work sa relasyon namin talaga.”
Credit: @andreaetorres Instagram
Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang controversial na relationship ni Andrea sa kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Bagama’t hindi man isinapubliko ni Andrea ang totoong dahilan sa likod ng kanilang breakup, aminado naman ang aktres na labis siyang na-disappoint hanggang nagkaroon nga siya ng depression.
Imbes na humingi ng tulong sa professionals, mas pinili ni Andrea na lumapit sa Panginoon na ayon sa kanya ay ang siyang naging dahilan kung bakit mas naging matatag ngayon ang kanyang pananalampataya dahil ito umano ang nagsilbing tulay na nagtuwid sa kanya tungo sa kasiyahan.
Credit: @andreaetorres Instagram
Sa maganda niyang perspective sa buhay ngayon, nais ni Andrea na magkaroon ng healthy na relationship sa lalaking susunod na magpapatibok sa kanyang puso.