Andrew E, feeling blessed matapos bumuti muli ang kalusugan at ang career!

Andrew E, feeling blessed matapos bumuti muli ang kalusugan at ang career!

Isa sa mga sikat na rapper at komedyante noong dekada 90 ay si Andrew Ford Valentino Espiritu o mas kilala ng marami bilang Andrew E.

Credit: @andrewe_dongalo Instagram

Tumatak sa maraming manonood ang husay sa pagra-rap at pag-arte ni Andrew. Kabilang sa mga hindi malilimutan at talagang pumatok niyang rap single ay “Humanap Ka Ng Panget” na ginawan pa ng pelikula.

Nanatili naman ang kasikatan at karera ni Andrew sa nakalipas na mga taon bago siya nagpahinga muna sa showbiz noong 2020 matapos siyang magkasakit kung saan kinailangan nga niyang maoperahan.

Sa isang nakaraang panayam ay ibinahagi ni Andrew na dahil sa kanyang naranasan kaya natutunan niya ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ating sarili lalong-lalo na sa ating kalusugan.

Credit: @andrewe_dongalo Instagram

Hindi naman inaasahan ni Andrew na muling makakabangon ang kanyang showbiz career matapos ang mahigit isang taon niyang pagtigil sa pag-aartista.

Kaya naman abot-langit ang kanyang pasasalamat dahil muli umano siyang nabigyan ng isa pang pagkakataon para umarte.

At noong nakaraang taon nga ay naging sunod-sunod ang proyektong dumating para sa kanya na ipinagpapasalamat naman niya sa Viva Artists Agency.

Credit: @andrewe_dongalo Instagram

Isa na rito ang comeback movie niya na “Sh00t sh00t! Di ko siya titigilan!” kung saan nakatambal niya ang rising s3xy actress na si AJ Raval. At ang bagong pelikula niyang “Sanggano, Sangg@go’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!” na inilabas kamakailan kung saan co-stars niya ang mga batikang aktor na sina Dennis Padilla at Janno Gibbs.

Sa ginanap naman na mediacon para sa kanyang bagong pelikula, inihayag ni Andrew na umaapaw ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang dumating sa kanyang buhay noong 2021. Una na rito ang pagbuti ng kanyang kalusugan.

Ayon kay Andrew, “I’m so happy. First of all, naibalik ako sa aking good health wherein one and a half years ago, I got hospitalized and nagkaroon ako ng operation sa aking lower shoulder. And du’n pa lang nagpapasalamat na ako na nailigtas ako du’n and at the same time naibalik pa ang aking kalusugan…”

Credit: @andrewe_dongalo Instagram

Sunod namang ipinagpapasalamat ni Andrew ay ang pag-usbong muli ng kanyang karera sa showbiz. Pinasalamatan ni Andrew ang kanyang talent agency dahil sa pagbibigay sa kanya ng maraming proyekto.

Samantala, sa kabila naman kanyang abalang career, hindi ito naging hadlang upang hindi maka-bonding ni Andrew ang kanyang asawa at mga anak nitong nakaraang holiday season.

Batay sa kanyang socmed updates, lumipad si Andrew patungong Amerika noong nakaraang buwan para roon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.

Ysha Red

error: Content is protected !!