Andrew Schimmer, super emosyonal sa dinadanas ngayon ng asawang si Jho Rovero

Andrew Schimmer, super emosyonal sa dinadanas ngayon ng asawang si Jho Rovero

Sa tuwing itinatapat sa Panginoon ang pagmamahalan ng dalawang tao, parte sa palitan ng kanilang vows ay ang pagsasama ng couple sa hirap at ginhawa. Bagama’t talamak naman ngayon ang incidents ng cheating sa iilang relationships, tila’y nananatili namang faithful si Andrew Schimmer sa kanyang asawa na si Jho Rovero na kasalukuyan ngayong nasa kalagitnaan ng kanyang battle upang gumaling at bumalik sa malusog nitong katawan.

Credit: John Andrew Schimmer Facebook

Kahit na’y sobrang demanding ng oras at atensyon ang nature ng trabaho ni Andrew Schimmer bilang isang aktor, hindi kailanman natabunan ng kanyang busy na schedule ang malaking pagpapahalaga niya sa kanyang pamilya dahil sobrang dedicated lang naman siya sa kanyang beloved niyang asawa na si Jorhomy “Jho” Rovero at sa kanilang mga chikiting.

Sa nagdaang mga taon, maayos namang nababalanse ni Andrew ang kanyang career kasabay ng paglalaan ng quality na time sa kanyang pamilya ngunit sa kabila ng magagandang days, naranasan din ng kanilang pamilya na dumaan sa labis na struggles dahil matatandaan nito lamang nakaraang mga buwan, nakaranas ng severe @sthma si Jho na humantong sa c@rdiac @rrest at bra!n hyp0x!a.

Dahil sa s@kit ni Jho, hindi talaga naging madali para kay Andrew na pagsabay-sabayin ang pag-aalaga sa kanyang asawa na kasalukuyan ngayong nasa ospital, pag-aalaga sa kanilang mga anak, at paghahanap ng ibang pagkikitaan upang matugunan ang bawat pangangailangan ng kanyang pamilya.

Credit: John Andrew Schimmer Facebook

Bagama’t malaki-laki man ang perang kinikita ni Andrew sa pag-aartista, hindi pa rin talaga ito sapat upang mabayaran niya ng buo ang bill sa ospital lalo na’t sa bawat araw na lumilipas, mas lalo lamang itong lumalaki. Sa katunayan, kababalita lamang niya sa isang interview ng “Walang Basagan” nito lamang Martes na umabot na ng 6 milyong ang kanilang bayarin sa ospital.

Dahil sa patong-patong na problema ngayon ni Andrew, labis ang pangambang nararamdaman ng aktor dahil maliban sa pinansyal niyang problema, aminado rin siya na hindi niya kakayaning mawala si Jho.

Ayon kay Andrew, madalas umano niyang iniisip na katabi niya ang asawa sa kanilang kama pero imbes na magpakalugmok, mas nadagdagan lamang ang determinasyon at pananalig ng aktor na mauuwi rin niya ng malusog si Jho at mabubuo rin ulit ang kanilang pamilya.

“Maybe without you, I am just a broken vessel that may never be whole again.😭 Soon mami makakauwi kadin po promise..very soon🥺✝️🛐✝️,” pahayag ni Andrew.

Sobra-sobra man ang pinagdadaanan ngayon ng pamilya ni Andrew, patuloy naman siyang umaasa na gagaling ang kanyang asawa at mas lalo lamang na gumagaan ang kanyang pakiramdam sa katotohanang maraming tao ang humihiling na gumaling si Jho at nagpapaabot sa kanila ng tulong pinansyal.

Ysha Red

error: Content is protected !!