Angel Locsin, ibinida ang kanyang makurbang figure suot ang isang itim na swimsuit!

Angel Locsin, ibinida ang kanyang makurbang figure suot ang isang itim na swimsuit!

Muli na naman pinalaglag ni Angel Locsin ang panga ng netizens sa pinakabagong update niya sa Instagram! Hindi kailanman naging bago sa pandinig ng karamihan ang pangalan ni Angel Locsin dahil noon pa man hanggang ngayon, nananatili pa rin siya sa spotlight. Hindi naman masyadong nakikitang sa telebisyon habang umaarte, madalas namang nakikita ang aktres ngayon sa labas ng showbiz at abala sa pagbibigay ng tulong sa frontliners at mga taong nangangailangan lalo na ‘yung labis na naapektuhan sa trahedyang dulot ng p@ndemya.

Credit: @realangellocsin Instagram

At dahil isang sikat na artista si Angel, sentro talaga siya ng atensyon at kalakip ‘nun ay ang mga unwanted na komento. Matatandaan na minsan nang na-bash ang aktres dahil sa kanyang katawan pero ang nakakalungkot niyang experience na ito ay hindi naman naging hadlang upang mahanap ni Angel na may natitira pang kabutihan sa mga tao dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pagbabahagi ng tulong.

Nito lamang nakaraang buwan, inamin ni Angel sa isang interview kasama si Ogie Diaz na nasa proseso siya ngayon ng pagpapapayat at makikita naman ang progreso niya sa pinakabagong larawan na ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay makikita siyang nakaupo sa buhangin habang nakasuot ng itim na swimsuit.

Credit: @realangellocsin Instagram

“Resting beach face 👸🏻☀️,” pahayag ni Angel sa kanyang caption.

Makikita at masasabi talaga sa larawan na unti-unti rin na nagbubunga ang effort ni Angel sa pagpapapayat dahil kahit na’y nakaupo lamang, sobrang astig at sexy ng kanyang aura!

Credit: @realangellocsin Instagram

Dahil sa sultry na larawang ibinahagi ng aktres, talagang nanggigigil ngayon ang kanyang fans, kapwa celebrities, at iilang malalapit na mga kaibigan katulad na lamang nina Dimples Romana, Bea Alonzo, Marian Rivera, Camille Prats, at Kakai Bautista.

Credit: @realangellocsin Instagram

Kasalukuyan ngayong nasa Boracay si Angel at ang kanyang asawa na si Neil Arce upang magbakasyon. Simula nang sila’y ikasal, hindi nagkaroon ng honeymoon ang couple kaya naman nang medyo lumuwag na ang restrictions at mas safe na lumabas, hindi na pinalagpas ng mag-asawa ang makapagbakasyon.

Ysha Red

error: Content is protected !!