Angel Locsin, pinuri ang kaibigan nito na si Anne Curtis sa pagiging isang hands-on mommy

Angel Locsin, pinuri ang kaibigan nito na si Anne Curtis sa pagiging isang hands-on mommy

Dadating din ang blessing sa tamang panahon at sobrang tiyaga naman talaga ng mag-asawang si Angel Locsin at Neil Arce dahil habang naghihintay, labis naman nilang pinaghahandaan ang pagiging parents.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Mag-iisang taon na matapos ikasal si Angel Locsin at Neil Arce at marahil, marami sa netizens ang nagtataka kung may plano ba ang couple magkaroon ng anak. Sa isang interview kumakailan lamang kasama si Ogie Diaz, ibinahagi ng aktres ang tunay na dahilan at ito ay ang pagkakaroon ng problema niya sa kanyang thryoid.

“Wala talaga sa plano namin ‘yun plus meron din kaming mga konting tough issues na kailangan ayusin because I have a thyroid problem. I have Hashimoto… parang auto-immune disease siya sa thyroid but it’s under control naman siya. Under medication ako. ‘Pag okay na siya, saka pwedeng mag-baby,” sabi ni Angel.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Pag-amin pa ng aktres, balak naman talaga nila ni Neil na magkaroon ng baby pero “chill” at hindi umano nila ito minamadali lalo na’t ayon kay Angel, nasa “honeymoon stage” pa lamang sila ng asawa.

“Pero okay kami kasi plano naman talaga namin. Chill kami saka honestly, wala pa nga kaming honeymoon kasi ‘di ba nag-p@ndemic so nakulong kami. Kasal namin, sa garden lang. Hindi pa kami nakakapag-explore. Magtravel ganyan so andami pa naming nilo-look forward,” aniya.

At dahil kasalukuyan ngayong ipinagbubuntis ng kanyang besties na sina Dimples Romana at Angelica Panganiban ang kani-kanilang baby, at nakatutok naman si Anne Curtis sa pag-aalaga kay Dahlia, inamin ni Angel na hindi umano siya nakaramdam ng pressure. Imbes, mas na-inspired pa nga siya maging Mommy!

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Darating din tayo diyan. Happy din ako na wala pa ako sa gano’ng position sa totoo lang. ‘Pag oras mo na talaga, ‘pag tingin ni Lord na you’re ready, bibigyan ka naman Niya ng blessing. Alam Niyang hindi pa ngayon so kahit kami (Neil), hindi pa ngayon,” ayon sa aktres.

Pagbabahagi pa ni Angel, na-iinspire umano siya kay Anne Curtis dahil sa pagiging hands-on nito bilang isang Mommy.

“‘Pag makikita mo si Anne na sobrang hands-on Mom niya kasi talaga na parang… ‘pag nagkaroon ako ng anak, gusto ko rin hands-on Mom ako,” saad ni Angel.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Alam naman ng lahat na hindi madali ang pagiging isang magulang kaya naman, labis ngayong hinahanda ni Angel Locsin at ng kanyang asawa ang kanilang sarili kapag dumating na ang panahong magkakaroon na sila ng baby. Dahil dito, masasabi talaga na magiging amazing silang parents!

Ysha Red

error: Content is protected !!