Angelica Panganiban, may pa-sneak peek sa mukha ng kanyang baby girl!

Bagama’t may natural na urge man ang mga Momshie na ibida ang kagandahan at kagwapuhan ng kanilang mga anak, mas nangunguna naman ang kanilang protective na instinct kaya hangga’t maaari, kaunting silip lamang ang kaya nilang ibigay katulad na lamang ng bagong Momshie sa showbiz ngayon na si Angelica Panganiban na half-protective at half-proud sa kanyang baby girl dahil may pa-sneak peek lang naman siya nito.
Credit: @iamangelicap Instagram
Bagama’t normal lamang para sa karamihan sa atin ang nangyari nitong nakaraang Martes, extra special naman ang araw na ito sa buhay ni Angelica Panganiban dahil nito lamang September 20, isinalang niya ang baby girl ni Gregg Homan na pinangalanan nilang si baby Amila Sabine.
Ilang araw bago pa man niya isinilang ang anak, nagkaroon ng get-together ang couple kasama ang iilang mga kaibigan nila sa loob at labas ng showbiz upang ipagdiwang ang nalalapit na pagdating ni baby Amila Sabine at makaraan nga ang apat na araw matapos ibinahagi ni Angelic ang mga larawang kuha sa kanilang simpleng celebration ay official na nilang na-meet ni Gregg ang kanilang baby girl.
Credit: @iamangelicap Instagram
Isa si Angelica sa mga sikat na aktres sa lokal na industriya ng showbiz kaya natural lamang na open sa publiko ang kanyang personal na buhay lalong-lalo na ang kanyang buhay pag-ibig. Of course, hindi naman sikreto sa karamihan ang pagkasawi ni Angelica sa nakaraan niyang relationships kaya wala talagang ibang hiling ang fans ni Angge kundi ay ang purong kasiyahan at katuparan sa lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay kaya nang ibinahagi niyang ipinagbubuntis niya ang magiging baby nila ng partner, excited din ang lahat sa panibagong milestone ng aktres.
Matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas ay isa ng ganap na ina si Angelica at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi siya ng larawan ni baby Amila Sabine sa Instagram na labis namang ikinatuwa ng iilang celebrities at fans ni Angge.
Credit: @iamangelicap Instagram
““Bean” waiting for you all my life,” sulat ng aktres sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan ng anak kung saan ay makikita ang magagandang mga mata nito na ayon kay Camille Prats ay namana umano niya kay Angelica.
Bagama’t tanging mga mata lamang ni baby Amila Sabine ang ipinakita ni Angelica sa publiko, abot-langit talaga ang kasiyahan ng lahat dahil maliban sa safe na delivery, labis din na nagpapasalamat ang mga kaibigan at fans ng aktres na naisakatuparan na rin ang isa sa mga matagal nang pinapangarap ni Angge.
Credit: @iamangelicap Instagram
Congratulations, Momshie Angelica Panganiban!