Angeline Quinto at non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, Engaged na!

Naging usap-usapan noon pa man ang pagiging engaged ni Angeline Quinto sa non-showbiz boyfriend nitong si Nonrev Dequina. Ito ay nag-umpisa nang magpost ang singer ng larawan nila, kasama nito ang kaniyang anak at ang boyfriend nitong si Nonrev. Makikita sa larawan na may suot suot na singsing ang singer na tila isang engagement ring.
Credit: @loveangelinequinto Instagram
Ayon sa PUSH.com, nabanggit ng aktres ang engagement nito sa kanyang show sa United States ng batiin nito ang mother ng kaniyang boyfriend na kasama sa audience na nanonood ng kanyang concert.
“Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be-mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiance ay nandiyan,” banggit nito sa manonood.
Taong 2020 nang magsimula ang relasyon ni Angeline at ang non-showbiz boyfriend nitong si Nonrev. Masayang sinalubong ng dalawa ang kanilang first baby noong April 2022. Ipinangalan ni Angeline ang kaniyang baby boy na si Slyvio sa pumanaw nitong adoptive mom na si mama Bob, na ang tunay na pangalan ay Sylvia. Pumanaw ito noong November 2020.
Credit: @loveangelinequinto Instagram
Inamin din ng aktres noon na labis ang saya nito ng makilala niya ang kaniyang asawa na ngayon, na si Felson.
“Ever since I met you. it’s been nonstop laughter and surreal moments that make me wanna cry tears of happiness,” kumento ng aktres sa instagram post ni Felson.
Wala pa mang balak noon ang couple na magpakasal dahil gusto ng dalawa na magfocus muna sa kanilang anak. Pero kung sila ay magpapakasal ipagpapaasalamat ito ni Angeline.
“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon muna. Ngayon ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” sabi nito.
Credit: @loveangelinequinto Instagram
Sa ngayon, patuloy na nililibot ni Angeline ang Canada at United States para sa kaniyang matagumpay na 10Q concert. Ito ay pagpapatuloy ng selebrasyon ng kaniyang ika-10 taon sa showbiz.
Sa isang interview ng singer, nabanggit nito na excited siya na muling makapag-perform sa mga taga-suporta niya abroad.
Credit: @loveangelinequinto Instagram
“I am very excited that I get to go on tour again abroad and sing for our kababayans in the US and Canada. The overseas Filipino community has been an important part of my career and I want to personally thank them for the love they have given me these past 10 years,” sabi nito.