Angeline Quinto, hands-on ngayon bilang first-time mom sa kanyang baby boy

Angeline Quinto, hands-on ngayon bilang first-time mom sa kanyang baby boy

Priority at responsibility. Ito ngayon ang nangingibaw para kay Angeline Quinto lalo na’t ngayon dahil hindi na lamang siya singer at aktres kung hindi ay isa na ring Mommy!

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Malaki talaga ang pagbabago nang dumating sa buhay ni Angeline Quinto ang kanyang baby boy na si Sylvio. Kung noon ay sarili lamang niya ang inaasikaso sa araw-araw, ngayon naman ay nakatutok na ang kanyang atensyon sa pag-aalaga sa anak.

Marahil ay naninibago ngayon si Angge sa kanyang roles at responsibilities bilang isang magulang ngunit aminado naman siya na kakaiba ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon at walang katumbas ang pagmamahal na meron siya para kay baby Sylvio.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Sa ibinahagi niyang vlog nito lamang, ipinakita ni Angge ang routine niya sa buong araw ngayon na isa na siyang Mommy.

“Ang dami-dami kong gustong ibahagi sa inyo. Ang dami kong gustong i-share lalo na ngayon dahil ang daming nagbago sa everyday routine ko sa buhay bilang isang nanay,” sabi ni Angge sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Of course, hindi easy ang pag-aalaga ng isang bata at matutunghayan naman ito sa vlog na ibinahagi ng singer. Bagama’t marami man ang gawain, hindi naman mag-isa si Angge dahil katuwang naman niya ang kanyang partner mula sa pagpapa-araw, pagliligo, paghuhugas at pagste-sterilize ng mga bote ng gatas, paghehele at pagpapatulog kay baby Sylvio.

At dahil sanay naman ang karamihan na makita si Angeline sa stage, kumakanta at nagpe-perform o hindi kaya’y sa telebisyon at umaarte, talagang marami-rami ang naninibago ngayong natunghayan ang Momshie side ni Angge. Dahil sa pagiging hands-on niya sa pag-aalaga kay baby Sylvio, talagang mas hinangaan pa siya ng kanyang fans na kung tawagin niya bilang “Twinkle”.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Busy man buong araw at ramdam na ramdam man ang pagod sa gabi, hindi naman nakakaligtaan ng couple ang pagbabasa ng Bible bago matulog kasama ang kanilang baby boy.

Hindi lamang ang routine, responsibilidad, at priority ang nagbago para kay Angge dahil ang buwan ng May ay nagkaroon ng meaning para sa kanya dahil sa Mother’s day na ipinagdiwang naman niya kasama ang partner at ng kanilang baby boy.

Credit: Love Angeline Quinto YouTube

Marami man ang nagbago kay Angge simula nang dumating si baby Sylvio sa buhay nila ng kanyang partner, siya pa rin naman ang nag-iisang Angeline Quinto na ating kilala, isang mahusay at talentadong singer at aktres.

Ysha Red

error: Content is protected !!