Annabelle Rama, mas bata tignan sa kanyang new look; sinagot ang mga nagtatanong kung niretoke siya

Annabelle Rama, mas bata tignan sa kanyang new look; sinagot ang mga nagtatanong kung niretoke siya

Sa pagtungtong natin sa edad na 40, 50 at higit pa ay nakikitaan na talaga natin ang ating mga sarili ng “signs of aging”. Kung para sa karamihan ay isa itong nakakapanlumong pangyayari, pinatunayan naman ni Annabelle Rama na wala sa edad ang pagiging dalaga-looking kundi ay choice ng bawat isa sa atin iyon. Kung gusto na manatiling maganda at youthful ang face, dapat ay manatili tayong positive at sumubok ng iba’t-ibang hairstyles dahil malay mo, baka sa pagpapahaba, pagpapaikli o ‘di kaya’y pagbabago ng kulay sa buhok ang solusyon sa matagal nang problema ng karamihan na gustong bumalik sa pagiging dalaga-looking katulad na lamang ni Annabelle Rama.

Credit: @annabelleramaig Instagram

Pinabilib lang naman ang netizens sa bago niyang hairstyle na labis na nagpabago sa kanyang overall na look! Matatandaan kumakailan lamang nang ipinagdiwang ng buong Gutierrez family ang kaarawan ng beteranang aktres at batay sa mga larawang ibinahagi nina Sarah Lahbati, Richard, Raymond, Ruffa Gutierrez at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya pati na rin ng iilang sikat na personalidad sa showbiz na imbitado sa celebration ni Annabelle ay kapansin-pansin talaga ang matinding pagbata ng aktres na kakatungtong pa lamang sa kanyang ika-70 na kaarawan.

Sa nakalipas na mga panahon, palagi talaga nating nakikita si Annabelle na maikli ang buhok pero sa mga larawang kuha mula sa kanyang party ay makikita ang kanyang mahaba at blonde na buhok na talaga namang nagpabata sa beteranang aktres. Maliban nito, mas napansin din ng netizens ang pagiging dalaga-looking ni Annabelle nang nagbahagi siya ng video sa Instagram kung saan ay makikita siyang nag-uunbox ng natanggap niyang regalo pero imbes na ang branded na bag ang mapansin ng netizens, mas pinagtuunan nila ng pansin ang glowing na skin at youthful na beauty ng aktres. Dahil dito, talagang kaliwa’t kanan ang papuring natanggap niya mula sa kanyang fans.

Credit: @annabelleramaig Instagram

Sa kasunod namang post ni Annabelle ay ibinahagi niya ang kanyang larawan na kuha sa kanyang party kung saan ay makikita siyang nakasuot ng dazzling at kulay red na dress at kalakip nito ay ang paglilinaw niya na wala umano siyang ipinaretoke at hindi kailanman sumailalim nito dahil tanging “facial care” lamang ang kanyang ginagawa.

“Ang daming nag comment na I look so young baka daw nagpa retoke ako. Simula ng bata pa ako hanggang ngayon never akong nagpa gawa sa mukha at sa buong katawan ko,” pahayag ni Annabelle.

Dagdag pa niya, “What you see is what you get at unang una takot ako sa operation at injection.”

Credit: @annabelleramaig Instagram

70 taong gulang naman ngayon, tila’y paurong naman ang beauty ni Annabelle Rama dahil habang siya’y umeedad ay mas lalo lamang siyang gumaganda at bumabata!

Ysha Red

error: Content is protected !!