Anne Curtis, dalaga-looking sa kanyang bagong hairdo!

Minsan ay hindi na kinakailangan na dumaan pa sa kahit anong proseso para lamang maging young-looking dahil may effortless palang paraan upang magkaroon ng ultimate na transformation katulad na lamang ni Anne Curtis na pinatunayan lang namang sa simpleng haircut ay pwedeng-pwede na pala tayong magmukhang dalaga!
Credit: @annecurtissmith Instagram
Isa si Anne Curtis sa mga sikat na personalidad sa showbiz kaya halos araw-araw talaga natin siyang natutunghayan sa telebisyon lalo na’t kababalik lamang niya matapos ang ilang taon niyang hiatus para maging isang full-time Momshie sa anak na si Dahlia Amélie. Bagamat 37 taong gulang naman ngayon, kapansin-pansin pa rin ang beauty ng aktres na tila ba’y walang kinikilalang panahon at oras.
Dahil sa kanyang natural na kagandahan, bagay na bagay talaga kay Anne ang pagtawag sa kanya ng madlang people bilang isang diyosa dahil kahit anong outfit o hairstyle man ay perfect talaga sa kanya!
Maraming beses na nating nakita si Anne na may mahabang buhok kaya bago talaga sa paningin ng karamihan ang pagkakaroon niya ng maiksing buhok. Bagama’t matatandaan man na nagpagupit siya ng hair noong 2018 para sa pagbida niya sa isang pelikula na “BuyBust,” tila’y kakaiba pa rin ang epekto ng mala-Amelie look niya ngayon kung saan ay ibinida niya ang kanyang maiksing buhok at bangs sa latest na photoshoot.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Sa isang episode ng “It’s Showtime” nito lamang, ibinahagi ni Anne na nagpagupit umano siya ng buhok “for a change” pero sa likod ng hairstyle niyang ito ay ang inspirasyon niya na si Amelie, isang bidang character sa sikat na film noong 2001 na ginampanan ni Audrey Tatou.
“Na-feel ko magpa-short hair bigla for a change in life,” sabi ni Anne.
“Actually ang isa sa inspiration ko si Amelie, isa siyang French character.”
Kumakailan lamang, sunod-sunod na ibinahagi ng aktres sa Instagram ang mga larawang kuha sa kanyang daring at sultry na photoshoot. Maliban sa pagiging professional niya, labis din na na-amaze ang netizens sa bagong look ni Anne kung saan ay karamihan sa kanila ay nagsabing mas lalo lamang na gumanda bumata ang aktres.
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Well she deserves to be called DYOSA. Any kind of hairstyle she do is definitely slay because of her beauty! Ughh how to be u Anne?”
“Iba talaga ang ganda ni Anne. Kahit anong hairstyle bagay na bagay “
“Anne Curtis super dyosa kahit anong suot at style Ng hair bagay na bagay.”
“Effortless beautiful. Timeless beauty”
Credit: @annecurtissmith Instagram
Mahaba o maiksi man ang buhok, hindi naman maipagkakaila na bagay ito lahat kay Anne dahil natural lang naman siyang dalaga-looking!