Anne Curtis, ibinahagi ang kasiyahan na makita ang anak na si Dahlia na tumutulong sa ama nitong si Erwan Heussaff sa kusina

Anne Curtis, ibinahagi ang kasiyahan na makita ang anak na si Dahlia na tumutulong sa ama nitong si Erwan Heussaff sa kusina

Isa sa mga tinututukan ngayong celebrity family ay ang munting pamilya nina Kapamilya actress Anne Curtis at vlogger-restaurateur Erwan Heussaff.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Kabilang ang kanilang mga bonding moment na mag-asawa kasama ang kanilang 1-taong gulang na anak na si Dahlia Amelie sa madalas na pinupusuan ng mga netizen sa social media. Agaw-pansin din si Dahlia dahil sa kanyang mga nakakatuwang video.

Kamakailan ay muling nag-viral at kinagiliwan si Dahlia ng marami dahil sa kanyang pagtulong sa kanyang Daddy Erwan sa kusina.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa kanyang murang edad ay maaasahan na sa kusina ng kanyang Daddy Erwan si Dahlia. Patunay dito ang isang video na ibinahagi ni Anne kamakailan lamang sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Sa video ay ipinasilip ni Anne sa kanyang mga follower ang game na pagtulong ni Dahlia kay Erwan sa kusina.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Base sa caption ng post ni Anne, kuha ang nasabing video mula sa kanilang ‘date’ na magpamilya nito lamang Sabado. At mapapanood nga sa video ang pagiging ‘helper’ ni Dahlia sa kanyang Daddy Erwan na makikitang abala sa paghahanda ng kanilang pagkain.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Tila sanay at natural na kay Dahlia na tulungan ang kanyang ama sa kusina dahil walang kahirap-hirap niyang inaabot dito ang mga gagamitin nilang sangkap sa pagluluto tulad ng gatas, mga itlog at lalagyanan ng butter.

Tinulungan din ni Dahlia ang kanyang Daddy Erwan sa paghahalo ng mga itlog. At pagkatapos magluto ay excited namang kumain si Dahlia ng kanyang paboritong prutas na aniya ay isang “plum”.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Halata sa napakagandang mukha ni Dahlia ang saya nang ibigay sa kanya ng kanyang Daddy Erwan ang prutas.

Napangiti naman ang marami sa napaka-cute na reaksyon ni Dahlia nang tanungin siya ni Anne kung masarap ba ang kinain niyang prutas.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Kapansin-pansin din na sa buong durasyon ng video ay French ang ginagamit nilang wika sa pagsasalita.

Samantala, ibinahagi ni Anne na parati siyang nanonood noon ng mga video na nagpapakita ng mga mag-aama na nagbobonding sa kusina. Ngayon nga sa pagdating ni Dahlia ay hindi na niya kailangan na manood pa ng mga video sa internet dahil masasaksihan niya mismo ito sa sarili nilang pamamahay.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sabi pa ni Anne, “I used to obsess over father-daughter cooking videos on Facebook & now I slowly get to see my own version IRL as she gets older.”

Matatandaang noong nakaraang Marso ay ipinagdiwang ni Dahlia ang kanyang ika-1 taong kaarawan, ilang araw matapos silang makauwing magpamilya sa bansa mula sa Australia.

Ysha Red

error: Content is protected !!