Arci Muñoz, dedicated sa kanyang pangarap na maging isang piloto!

Arci Muñoz, dedicated sa kanyang pangarap na maging isang piloto!

Bago ang napiling career, ano ba talaga ang orihinal na pangarap mo noong bata? Marahil ay dahil wala tayong kaalam-alam kung gaano talaga kahirap ang buhay at ang totoong mundo, limitless ang ating pangangarap. Sa panahon na namumulat na tayo sa katotohanan, marami sa atin ang bumibitaw sa ating mga pangarap o hindi naman kaya’y nagpapatuloy upang makamit ito.

Credit: @ramonathornes Instagram

Maliban sa kanila, mayroon din na kahit minsan namang isinantabi ang kagustuhan ng puso ay nakakahanap pa rin ng daan pabalik sa mga ito. Bago nagtagumpay bilang artista, sino ba naman ang mag-aakala na pangarap pala ni Arci Muñoz na maging isang piloto?

Bagama’t mas pinili man ang pag-aartista at nagtagumpay naman sa kanyang napiling career, tila’y patuloy pa rin na nananawagan ang puso niya na hanapin ang kanyang interes sa naudlot na pangarap. Marahil ay narinig ang sigaw ng puso, napagdesisyunan ni Arci na sumabak sa aviation school upang pag-aralan ang pagiging isang piloto.

Credit: @ramonathornes Instagram

Sa kanyang update sa Instagram kumakailan lamang, masaya niyang ibinahagi ang kanyang “pilot journey”. Mapapanood sa video na ibinahagi niya kung ano ang ginawa at pinagkaabalahan niya sa buong araw habang nasa Topflite Academy.

Upang mabigyan siya ng basic na kaalaman at upang maging pamilyar sa environment, dumaan muna ang aktres sa tinatawag nilang “simulation training”. Nang matapos sa kanyang training, sumabak na si Arci sa pagpapalipad ng eroplano sa tulong at gabay ng kanyang instructor.

Credit: @ramonathornes Instagram

Kahit na’y kasalukuyan pa na nag-aaral, talagang masasabi na sobrang bagay talaga sa aktres ang pagpi-piloto!

Bagama’t sobrang busy man ngayon dahil sa kanyang sunod-sunod na projects, nakikitaan pa rin ng dedikasyon si Arci dahilan kung bakit labis ang papuri at paghanga ng netizens.

“D@mnnn Arci! You are just so cool! ”

“Aye, Aye, Kapitan Muñoz “

Credit: @ramonathornes Instagram

“Pinakaastig at pinakaMagaling at amazing Woman na kilala ko ”

“Congrats with this Ms Arci you’re such an inspiration tlaga”

“Captain mona iba din! ”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi madali ang pagiging isang piloto pero talagang pinatunayan ni Arci na kakaiba siya sa typical na mga kababaihan dahil super aktibo lang naman niya sa ganitong klaseng activities at profession.

Ysha Red

error: Content is protected !!