Atasha Muhlach, isa sa mga dalawampung dalaga na napiling mapabilang sa natatanging debutante ball sa buong mundo!

Sa visuals ng celebrity couple na si Charlene Gonzales at Aga Muhlach, mapapa-wow ka na lamang talaga sa perpektong combination ng kanilang good looks dahil super gwapo at ganda lang naman kasi ng kanilang kambal na anak na sina Andrés at Atasha.
Credit: @atashamuhlach_ Instagram
Parehong sikat na personalidad sa TV si Charlene at Aga Muhlach kaya talagang open sa publiko ang kanilang personal na buhay pero ang tila’y labis na pinagkaka-interesahan ng karamihan ay ang kanilang mga anak dahil isa lang namang patunay si Andrés at Atasha na magaganda talaga ang genes ng kanilang parents.
Bagama’t malayo man ngayon sa piling ng kanilang mga magulang dahil parehong nag-aaral sa Europe, nananatili pa rin namang updated ang fans ng twins. Maliban sa studies, marami ring achievements si Atasha sa labas ng academics. Sa katunayan, kababahagi lamang ng kanyang Mommy Charlene sa Instagram ng balitang isa siya sa dalawampung dalaga mula sa 12 countries na kabilang sa natatanging debutante at charity ball sa buong mundo!
Credit: @atashamuhlach_ Instagram
“So happy and grateful to be given the opportunity to take part representing the Philippines in le Bal des débutantes in Paris 2022 November,” pahayag ni Atasha sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang magazine cover kung saan ay featured siya habang suot ang kulay green na ensemble.
Hindi lamang simpleng debutante ball ang “Le Bal de Débutantes” dahil isa rin itong philanthrophic na event kung saan ay ang malilikom nitong funds ay mapupunta sa hospital at charities. Dahil sa magandang reputation ng nasabing international na event, doble talaga ang kasiyahang nararamdaman ng unica hija ni Charlene at Aga dahil kabilang lang naman siya sa prestihiyosong charity ball.
Credit: @atashamuhlach_ Instagram
Sa achievement na ito ni Atasha, marami namang humanga sa dalaga at karamihan sa fans at kapwa niya celebrities ay nagpahayag ng pagbati dahil tunay nga naman kasing bibihira na mapiling representative ng Pilipinas sa malaki at international na charity ball tulad nito.
“Slaaaaaay! So proud of you baby girl! 😍,” pagbati ni Darla Sauler.
“Super!!!!” comment naman ni Hayden Kho.
“So proud of you!! 😍,” ayon kay Alyssa Muhlach.
Credit: @atashamuhlach_ Instagram
Isang rare na opportunity talaga ang mapabilang sa “Le Bal de Débutantes” at maging representative ng ating bansa para sa nabanggit na event pero tila’y kakaibang level talaga ang beauty ng isang Atasha Muhlach dahil nasungkit lang naman niya ang chance na ito.