Aubrey Miles at Troy Montero, na-check na ang isa sa kanilang relationship goals

Paano nga ba napapanatili ang pagmamahal, patience, at kilig sa isang relationship? Marahil ay ito ang madalas na tanong ng iilan sa mga couple na magkasama pa rin sa loob ng napakahabang panahon ngunit wala talagang definite na sagot tungkol dito pero sa panahon ngayon kung saan ay sobrang easy na lamang para sa isang couple o hindi kaya’y mag-asawa na maghiwalay, talagang mas napapabilib ang karamihan sa mga taong nakaka-establish ng healthy na relationship kasama ng kanilang loyal na partner.
Isa sa magandang example nito ay ang couple na si Aubrey Miles at Troy Montero na patuloy pa rin na napapatag ng panahon ang kanilang relationship. Kahit hindi man kasal sa isa’t-isa, grabe naman ang intensity ng kanilang commitment ngunit malaki pa rin ang value na ibinibigay nila sa usapang marriage at isa ito sa kanilang mga pangarap na gustong matupad bilang isang couple.
Sa sobrang open ng dalawa sa social media, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin na mahilig ang couple sa pagta-travel at adventures ngunit sa sobrang dami nilang goals bilang isang couple, nangunguna pa rin sa kanilang listahan ang marriage.
Taong 2020 sana ikakasal ang couple sa Batanes pero dahil sa l0cKdown at striktong restrictions, naantala ito. Makalipas ang mahigit dalawang taon, napagdesisyunan ng dalawa na magkaroon na lamang ng civil wedding sa Mandaluyong City kung saan ay imbitado ang kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan upang saksihan ang isa sa hindi nila malilimutang event sa kanilang buhay.
“We did it! ❤️,” punong-puno ng satisfaction na caption ni Troy Montero kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan kuha sa kanilang simple at intimate na wedding.
Ipinasilip din ni Aubrey sa kanyang Instagram account ang iilan sa mga kaganapan sa kanilang wedding at nagpahayag ng saloobin kung gaano siya kasaya sa katuparan ng isa sa kahilingan nila ni Troy.
“It’s Official🙏🏻 After 18years together, it only takes 30mins to seal it. We did it @troymontero,” pahayag ni Aubrey.
Sa masaya at special na event sa buhay ni Aubrey at Troy, kaagad na bumati ang kanilang fans at kapwa celebrities.
“Congratulations Aubrey and Troy! ❤️” pagbati ni Sunshine Cruz.
“Congratulations you beautiful people,” sabi naman ni Brandon Vera.
“Congratz and Best Wishes ate @milesaubrey,” komento naman ng komedyanteng si Kitkat.
“Congratulations!” sabi ni Candy Pangilinan.
Na-delay man ng mahigit dalawang taon ang kanilang kasal at hindi man ito naaayon sa kanilang orihinal na plano, worth it naman umano ang paghihintay ng couple lalo na’t ngayon, official na silang Mr. Troy at Mrs. Aubrey Miles-Montero!