Awra Briguela, ipinakita na sa publiko ang kanyang bagong bahay na bunga ng kanyang pagsisikap

Awra Briguela, ipinakita na sa publiko ang kanyang bagong bahay na bunga ng kanyang pagsisikap

Hindi lubos maipaliwanag ni Awra ang nararamdaman niyang halo-halong emosyon nang sa wakas ay nakamit na niya ang isa sa mga pinapangarap na maibigay para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Credit: Karen Davila YouTube

Isa si Awra Briguela sa mga sikat na young star ngayon sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang exemplary na talento sa pag-arte. Naging daan ito para kay Awra upang mabigyan ng masaganang buhay ang buo niyang pamilya at kahit na’y ilang taon naman simula nang pinasok at pinalad sa showbiz, wala pa ring kakupas-kupas ang pagbibigay-saya ni Awra sa kanyang fans at supporters.

Credit: Karen Davila YouTube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan kung gaano kapursigido si Awra sa pagtatrabaho dahil talaga namang all out siya sa lahat ng ginagawa dahilan kung bakit hindi na niya kinakailangan pang maghanap ng proyekto dahil ang opportunities na mismo ang lumalapit sa kanya.

Sa napakamura niyang edad, natupad ni Awra ang matagal na niyang pangarap para sa pamilya dahil sa wakas, nakalipat na rin sila sa bago nilang bahay sa isang subdivision.

Credit: Karen Davila YouTube

Sabado, December 4 nang ipinasilip ng young star ang bagong bahay kasama si Karen Davila sa isang vlog. Mula sa tanggapan, living room, mga kwarto hanggang sa kanilang kusina. Pinag-isipan talaga ni Awra ang bawat detalye dahil sa bawat sulok ng bahay, nagsisilbi niya itong repleksyon at kung anong uri ng pamilya ang meron siya.

Ayon kay Awra, dalawang linggo pa lamang sila sa bagong buhay simula nang nakalipat kaya naman hindi pa rin lubos maisip ng young star na sasalubungin nilang lahat ang kapaskuhan at bagong taon sa bago at maganda nilang bahay.

Credit: Karen Davila YouTube

Makikita rin sa iba’t-ibang sulok ng bahay ang napalalunang awards at trophies ni Awra na nagsisilbi niyang inspirasyon upang mas magpursige pa sa trabaho.

Credit: Karen Davila YouTube

Ikinuwento rin ng young star kung paano siya dumidiskarte sa buhay simula pa man noong siya’y nasa elementarya hanggang ngayon dahil patuloy pa rin siya sa pag-iipon at pag-iinvest.

Hindi naman inaasahan ni Karen ang magiging sagot ni Awra nang tinanong ito kung bakit hindi niya naisipang ibenta ang napanalunang bahay sa “Your Face Sounds Familiar” sa Batangas.

“Pinapataas po ‘yung value ng lupa,” sagot ni Awra na talagang hinangaan ni Karen.

Credit: Karen Davila YouTube

Isa lamang ito sa mga achievement na nakamit ni Awra sa napakamurang edad at kahit na’y nabigyan na ng mas magandang buhay ang pamilya, makikitaan pa rin siya ng determinasyon dahil plano rin niyang bumili ng maraming lupa upang gawing business.

Talagang pinatunayan ni Awra na hindi lamang simpleng awra ang meron siya dahil madiskarte rin siya sa buhay!

Ysha Red

error: Content is protected !!