Awra Briguela, proud na hindi siya huminto sa pag-aaral kahit na busy sa trabaho bilang artista

Nagsilbing inspirasyon si McNeal Briguela o mas kilala bilang si Awra para sa kapwa niya mga kabataan. Pagod man sa trabaho bilang isang artista ay nagagawa pa rin niyang isabay ang kanyang pag-aaral.
Credit: @awrabriguela Instagram
Bukod sa kanyang pamilya ay iniaalay ng young star na si Awra ang kanyang tagumpay sa mga taong halos kinokonsidera na niyang pamilya na sina Coco Martin at Vice Ganda na parehong tumulong sa kanya sa larangan ng pag-arte.
Mula sa pagiging online sensation sa YouTube dahil sa nakakatuwang facial expression na kung tawagin ay “awra,” ay di kalaunan sa taong 2016 nang nagsimulang masilayan ng mga manonood si Awra sa telebisyon.
Credit: @awrabriguela Instagram
Mula sa “FPJ’s: Ang Probinsyano” hanggang sa nabigyan siya ng malaking role sa “Super Parental Guardians” ay doon siya nasimulang makilala ng karamihan bilang isang young artist na natural sa pagpapatawa.
Simula nang pumasok sa industriya ng showbiz ay hindi kailanman tumigil si Awra sa pag-aaral. Talaga namang kahanga-hanga siya dahil nagawa niyang maitaguyod ang pag-aaral sa kabila ng pagiging artista.
Credit: @awrabriguela Instagram
July 4 noong nakaraang taon nang grumaduate si Awra ng high school. Sa Instagram ay nag-iwan siya ng makabuluhang mensahe kung saan ay nag-congratulate siya sa sarili.
“Congrats self!!! ❤️ finally nakapag tapos kana ng high school! ano na next? senior high school tapos college?, grabe!” pahayag ni Awra sa kanyang caption.
Credit: @awrabriguela Instagram
Ikinuwento niya rin ang kanyang karanasan bilang isang working student. Ayon sa kanya ay hindi umano naging madali ang lahat pero kinaya niya ang lahat dahil gusto niyang makapagtapos.
Credit: @awrabriguela Instagram
Kumakailan lamang nang naikuwento ni Awra sa Hashtag member na si Kid Yambao na malaki umano ang naging tulong nina Coco at Vice sa kanya dahilan para ituring sila ni Awra bilang pangalawang magulang.
“Si Kuya Coco rin ‘yung pinakanagturo sa akin sa acting. Like dahil nga bata ako na walang muwang nu’n, nu’ng nagte-taping ako, medyo nahihiya ako sa mga tao nu’n. Siyempre ang daming camera so, natingin ako kung saan-saan,” sabi ni Awra.
Credit: @awrabriguela Instagram
Inamin din ni Awra na hindi niya makakalimutan ang kabaitang ipinamalas nina Coco at Vice sa kanya simula noong nagsisimula pa lamang siya bilang isang artista.
“Naalagaan talaga ako ni Kuya Coco at ni Ate Vice,” madamdaming sabi niya.
Nabanggit din ni Awra ang tungkol sa kanyang pag-aaral.
“Never akong nag-stop mag-aral sa buong journey ko sa showbiz. Five years akong nag-aartista, never akong nag-stop mag-aral,” kwento ni Awra.
Ayon pa sa young star ay sobrang proud at happy ang dalawang big stars sa bawat achievement niya sa napakamurang edad.
Credit: @awrabriguela Instagram
Naging inspirasyon sina Meme Vice at Coco para kanya. Ngayon naman ay si Awra Briguela ang nagsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng mga patuloy na pagsubok ng ating mga buhay.